WALA sa cross road si Janine Gutierrez tuwing magpa-Pasko at Bagong Taon dahil nakasanayan na nito kung kanino siya pupunta. Sa Mommy Lotlot de Leon o sa Daddy Monching Gutierrez.
Ang tsika, inayos na ni Janine ang pagbabakasyon sa Amerika kasama ang mga kapatid at ang kanilang ama. Kaya lang ang tanong, kasama kaya si Rayver Cruz?
Samantala, dadalo naman siya sa kasal ng kanyang Mommy Lotlot sa Lebanese fiancée nitong si Fadi El Soury sa December 17.
Base sa plano, sa December 22 ang alis nina Janine papuntang USA at sa December 29 naman ang balik dahil kailangang si Mom Lotlot naman ang kasama sa New Year.
May tsikang nahihirapan daw si Janine sa ganitong set-up na hiwalay ang mga magulang pero dahil nga, nakasanayan na ay nairaraos din.
Pero, paano na ang oras nito kay Rayver, join na lang ito kung saan ang aktres?
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu