MULI na namang aarangkada ang Inding-Indie Film Festival sa November 24 sa Robinsons Novaliches. Ito ang ika-limang taon sa pagpapalabas ng 24 short films na napapanood ng hindi hihigit sa 30 minutes.
Pinamumuan ito ni Festival Chairwoman Josephine de Guzman at festival organizer na Direk Ryan Favis na ayon sa kanila, advocacy nila ang tumulong sa small time producers para magtagumpay sa movie industry kasama na ang mga baguhang artista para sumikat.
Sampung short films ang pipiliin para bigyan ng parangal sa iba’t ibang kategorya sa Disyembre 9 na gaganapin sa National Press Club.
ni Alex Datu