MASAKIT man sa kalooban ng mga kasamahan ni direk Toto Natividad na iwanan ang action-serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano hindi rin siya masisisi kung naghanap ng kasiyahan sa trabaho.
Sa loob ng tatlong taon, nanilbihan si Toto bilang director ni Coco at ni minsan ay wala man lang promo si direk na nasa likod siya ng serye hanggang sa dumating sa puntong si Coco na mismo ang nagdidirehe.
Walang sinumang maaaring makatagal sa trabaho kung may iba namang gumaganap sa tungkulin. Tama lang na tanggapin ni Direk Toto ang Cain at Abel.
Ibig din ni Direk Toto na makapag-contribute ng talent sa pagdidirehe sa ibang artista.
Masuwerte si Coco, malayo na ang nararating buhat sa isang trying hard na actor noong araw ngayo’y tinitingala na siya.
***
BIRTHDAY greetings to November born celebrants—Deo Endrinal of ABS-CBN, Aaron Domingo of ABS-CBN Corp-com, Lou Bonnavie, Malou Fagar of Eat Bulaga, at MTRCB Chair Rachel Arenas.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales