Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa, ‘di tinanggal sa ‘ASAP Natin ‘To; Toni & Alex sa PBB (Otso)  muna

MAY dahilan pala kung bakit ASAP Natin ‘To ang titulo ng nag-reformat na programa ng ABS-CBNna napapanood tuwing Linggo.

Ang kasama namin sa bahay ang nagsabing, ”kaya siguro ‘ASAP Natin ‘To’ ay dahil para lahat ng tao, makare-relate sa show.”

Binanggit namin ito sa taga-ASAP Natin ‘To at ang sagot sa amin, ”Yes, we’re sharing ‘ASAP’ stage to all our Kapamilyas. Kaya ‘ASAP Natin ‘To’ kasi para lahat maka-konek. Mga ordinaryong tao puwedeng ma-feature, lahat ng marunong kumanta puwedeng kumanta hindi lang ‘yung puro kilalang singers lang ang puwedeng tumuntong sa ‘ASAP’ stage.”

Mataas kasi ‘yung dating ASAP at hindi na maka-relate ang matatandang audience na iyon naman ang mga da­ting sumusu­baybay sa programa.

Nabasa lahat ng bagong team na may hawak ng ASAP Natin ‘To ang lahat ng negatibong komento sa pagbabago ng programa at naintindihan nilang lahat iyon.

“Nasanay kasi ang tao na puro kanta-kantahan, sayaw-sayawan, of course hindi naman aalisin ‘yun kasi iyon naman din talaga ang laman ng show, pero kailangan ibaba sa masa kasi hindi sila makakonek, medyo mataas kasi. Gusto kasi namin na may interaction ang masang audience sa show,” paliwanag sa amin ng taga-produksiyon.

Nainip ang lahat sa Kasal segment na halos umabot sa isang oras.

“Oo medyo mahabang oras kasi siyempre kailangan ng back story pero sa maniwala kayo o sa hindi, iyon ang pinakamataas na ratings, meaning maraming nakakonek kasi kuwento ng buhay ng karaniwang tao,” katwiran sa amin.

Hindi kaya sa susunod ay may ipakikita rin silang binyagan at panganganak? ”Why not? Basta ba interesting ang kuwento, bakit hindi. Iyon talaga ang target kaya nag-reformat, lahat ng tao makakakonek,” kaswal na sagot sa amin.

May nasulat na tinanggal na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Robi Domingo bilang main host.

“Toni and Alex will concentrate muna sa ‘PBB (Otso),’ Robi online host ng ‘ASAP’,” pakli pa.

Kabilang sa main hosts sina Martin, Billy Crawford, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Luis Manzano, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Erik Santos, at Gary Valenciano.

“Sampu lahat ang main hosts,” sabi pa.

Sino pa ‘yung isa, siyam pa lang itong nabanggit namin? Ahh, baka si Zsa Zsa Padilla na tila may parunggit ngayon dahil nag-post siya sa kanyang IG ng, ”I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart.”

May nakarating sa aming tsika na tila hindi isinama ang Divine Diva sa launching ng ASAP Natin ‘To.

“Wala kasi siya, but she was invited and regular performer siya,” mabilis na sagot ng taga-production.

Dagdag pa, ”hindi siya tinanggal sa ‘ASAP Natin ‘To,’ she’s part of it.”

Hayan, klaro sa mga supporter ni Zsa Zsa, kasama pala siya sa bagong ASAP.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …