Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT Boys, may pasabog sa pagtatapos ng taon

ISANG taon pa lang ang TNT Boys pero marami na silang nagawa para sa kanilang career. Nakalibot na agad sila sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa galing at ganda ng kanilang boses. Ito’y pagkatapos lang nilang magwagi sa Your Face Sounds Familiar Kids.

At ‘di lang doon nagtapos ang pag-arangkada nila dahil simula lang pala iyon. Nagningning pa ang bituin nina Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Keifer Sanchez dahil kahit nasa last quarter na ng tao’y tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng sorpresa at pasabog.

Noong Miyerkoles (Nobyembre 14), inuwi nila ang Royal Cub award mula sa RAWR Awards, online site na Lionheartv dahil sa kanilang patuloy na pagiging laman ng balita, usap-usapan sa social media, at sa kanilang trending performances sa loob at labas ng bansa na nagbigay ng karangalan sa mga kapwa Filipino.

Bukod dito, maraming world-class performances din ang matutunghayan mula sa kanila dahil magiging parte na rin ang TNT Boys ng ASAP simula ngayong Linggo (Nobyembre 18), na makakasama nila ang pinakamahuhusay na mang-aawit at performers sa bansa.

St ngayong Pasko, ire-release nila ang kanilang Christmas album na TNT Boys Christmastime sa ilalim ng TNT Records na binigyan nila ng ibang tunog ang ilang pinakasikat na classic Christmas songs.

Ang isa pang kaabang-abang ay ang kanilang first major concert na Listen: The Big Shot Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 30.

Makakasama nila sa concert si “Fantastica” Vice Ganda, gayundin sina Jed Madela, K Brosas, at ang kiddie performers sa Your Face Sounds Familiar Kids na sina Chun-sa Jung, Esang de Torres, Krystal Brimner, Marco Masa, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, Sheena Belarmino, at Xia Vigor.

Maaari pang bumili ng tickets para sa Box (P700), Upper Box (P400), at General Admission (P200) sections. Mabibili ito sa ticketnet.com.ph o tawagan lamang ang (02) 911-5555 para sa karagdagang detalye.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

QC International Pink Filmfest, umarangkada na

QC International Pink Filmfest, umarangkada na

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …