Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

QC International Pink Filmfest, umarangkada na

NAGSIMULA na noong Miyerkoles ang QC International Pink Film Festival na pinangunahan nina Vice Mayor Joy Belmonte at Direk Nick Deocampo sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa 60 pelikulang itatampok.

Binigyang pagkilala rin si Reynaldo ‘Oliver’ Villarama, isang female impersonator na ginawan ni Deocampo ng isang dokumentaryo ang kanyang buhay noong 1983 na may titulong Oliver. Ginawaran siya ng Natatanging Pink Film Award.

Pagkaraan ay itinampok ang isang documentary film, ang 50 Years of Fabulous na tumalakay sa kung paano nagsimula at ipinaglaban ang karapatan ng mga LGBT.

Itatampok sa QC International Pink Film Festival ang humigit kumulang na 60 pelikula (shorts, features, documentaries, animation) na nagsimula na noong Nobyembre 14 at tatagal hanggang Nobyembre 25 sa Gateway Cinema Complex, UP Adarna, at Cinema Centenario.

Tampok sa line up ang mga kontrobersiyal na LGBT films tulad ng  Liquid Truth ng Brazil, Boys for Sale”  ng Japan, The Driver ng Thailand, Mr. Gay Syria ng Syria, Leitis in Waiting ng Tonga, Small Talk ng Taiwan, Memories of My Body ng Indonesia, at Carmen and Lola ng Spain.

Opening film sa Cine Adarna sa Nob. 19, 5:00 p.m. ang Call Me Ganda ni PJ Raval na tumatalakay sa kuwento ng transgender na si Jennifer Laude.

Dadaluhan din ang filmfest ng mga filmmaker at actors mula sa United States, Brazil, Indonesia, Tonga, Spain, Taiwan, Japan, Thailand, Syria, Turkey, at United Kingdom.

Muli ring ipalalabas ang Rome and Juliet ni Connie MacatunoAng Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ni Aureaus SolitoAng Gabing Kasinghaba ng Hair Ko ni Gerardo Calagui, at Traslacion: Ang Paglakad sa Altar ng Alanganin ni Will Fredo.

Mayroon ding Special Section si Direk De Ocampo na itatanghal ang PinQCity, Sex Warriors and the Samurai, at Oliver sa Cinema Centenario sa Nov. 22, 6:00 p.m.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TNT Boys, may pasabog sa pagtatapos ng taon

TNT Boys, may pasabog sa pagtatapos ng taon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …