Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Rustia Victory Liner
Kiko Rustia Victory Liner

Kiko Rustia, simbolo ng advocacy ng Victory Liner

SOBRANG nagpapa­-salamat ang TV personality at Survivor Philippines alumnus, Kiko Rustia sa pagkapili sa kanya ng Victory Liner bilang ambassador ng isa sa biggest bus companies sa bansa.

Ang partnership ay nananatiling matatag at si Kiko ay naging simbolo ng advocacy ng Victory Liner, ang ”give back to the people” sa pamamagitan ng mga dokumentar­yong ginagawa niya, katuwang ang Victory Liner, sa pagtatampok ng mga natatanging lugar na dinaraanan ng bus company patungong Norte.

Ang mga dokumentaryong ginagawa nila ay mas lalong naglapit sa bus company para lalong mapagsilbihan ang publiko. Ito ang kanilang paraan para kumonek sa mga loyal customer nila.

“Marami kaming mga lugar na binibisita sa paggawa ng mga dokumentaryo and I am proud to say na alive na alive pa rin ang Filipino hospitality sa mga iba’t ibang lugar sa ating bansa. Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tao, kahit sa mga lugar na hindi naman ruta ng Victory Liner. Mabait sila at handang tumulong. At lagi nila kaming inaalok ng masasarap na pagkain,” kuwento ni Kiko.

Bilang token of appreciation sa mga loyal patrons ng bus company, inilunsad ng Victory Liner ang Piso Trip Round 2 Promo. Ito ay isang seat sale promotion ng Metrobank Card Corporation (MCC) sa pakikipagtulungan sa Victory Liner, Inc. Ang libreng pasahe ay binabayaran ng Metrobank Card Corporation.

Ang promo ay eksklusibo para sa Victory Liner Premiere Prepaid Visa Cardholders na puwedeng mag-enjoy ng round trip ticket at PHP1.00 each trip going to Cubao- Baguio at Baguio- Cubao.

Ang iskedyul ng booking at travel ay ang mga sumusunod: Booking period: * Nov. 12- 16, 2018; travel period: Cubao- Baguio: * Nov. 22- 25, 2018 & * Dec. 6- 9, 2018; Baguio- Cubao: * Nov. 25-26, 2018 & * Dec. 9- 10, 2018.

Para sumali sa promo, kailangan lang na mag-load sa inyong Victory Liner Premiere (VLP) Prepaid Visa Card at magtungo sa victoryliner.com para mag-book. Gamitin ang inyong VLP Card para magbayad ng Piso Trip.

Para mag-avail ng VLP Visa Card, pumunta lang sa anumang Victory Liner Bus Terminal, mag-present ng isang valid ID at magbayad ng PHP300. Para naman mag-load sa inyong VLP Prepaid Visa Card, magtungo sa anumang Victory Liner Bus Terminal at magbayad sa cashier ng amount na nais mong i-load at handa ka na para mag-biyahe! May loading fee na PHP20 sa bawat transaksiyon. (LM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …