ISANG bagitong babaeng pulis ang ginahasa umano ng kaniyang instructor na pulis habang nasa training center sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng Joint Maritime Law Enforcement Training Center sa Puerto Princesa, na kabilang ang biktima sa kumukuha ng maritime trooper course.
Kinilala ang suspek na si PO3 Jernie Languian Ramirez, na nagsisilbing assistant instructor.
Base sa imbestigasyon, nilapitan umano ng suspek ang biktima at pilit na pinapasama sa pag-ikot sa center.
Hinalikan umano ni Ramirez ang bagitong policewoman bago niya dinala sa kuwarto at ginahasa.
Agad nagsumbong ang biktima sa kanilang course director na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.