Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Rhian Ramos
JM de Guzman Rhian Ramos

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

ALIW at shock kami sa mga linya nina JM De Guzman at Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala handog ng TBA Studios.

Dahil napaka-kaswal nina JM at Rhian na pinag-uusapan ang sex at kung ano-anong bagay tungkol sa dalawang taong magkarelasyon na relatable naman sa panahon ngayon.

Hindi namin nilalahat pero karamihan kasi sa millennials ngayon kapag attracted sa isa’t isa, wala nang ligawang nangyayari, diretso na kaagad sa kama at kapag compatible sila ay at saka lang magkakaroon ng pormal na relasyon.

May linya si Rhian na, ‘hindi ako easy ha’ kasi nga may nangyari kaagad sa kanila ni JM.

Gustong-gusto namin ang eksenang naka-underwear lang si Rhian na naka-shirt habang naka-boxers lang si JM at tinatanggalan niya ng taghiyawat sa likod na sarap na sarap siya samantalang iritang-irita naman ang binata dahil nasasaktan siya.

Aliw din ang eksenang katatapos lang nilang mag-sex at kumain ng noodles at humirit ulit ng isa pa si JM sabay tigil sa pagkain at umakmang nakahiga lang na sinagot ni Rhian ng, ‘kumain ka muna para may (lakas) ka, ano ‘yan, wala kang gagawin, ako ang magtatrabaho, ha, ha, ha?’

Pero hindi lahat ng relasyon ay masaya, may mga struggle ding dapat pagdaanan lalo na sa kaso ni JM na maysakit siyang hindi makaalala ng tao maliban sa mga mahal niya sa buhay, si Rhian, ang mama (Agot Isidro) at kapatid.

Kaya madalas ay napapaaway si JM dahil maling tao ang napapagkamalan niyang kakilala niya kaya naman nang dumating sa buhay niya si Rhian ay dito na umikot ang mundo niya, ito na ang naging gabay niya sa lahat pero ang twist, may malaki rin palang problema ang dalaga.

Ang galing pareho nina JM at Rhian sa karakter nila at in fairness, maganda ang chemistry nila, bagay na loveteam.

Palabas na simula ngayong araw, Miyerkoles ang Kung Paano Siya Nawala at nakasisiguro kami sa mga makakapanood nito ay matatawa dahil baka nakare-relate sila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero  ‘di matalo-talo) ni Dingdong

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …