Thursday , September 4 2025

Pokwang, desperada

TAMA lang pala na Marietta Subong ang billing ni Pokwang sa Oda sa Wala, isang entry sa katatapos lang na QCinema. Ang scriptwriter-director ng pelikulang si Dwein Baltazar (na babae at isang ina) ang nagpasyang “Marietta Subong” ang maging billing ni Pokwang sa pelikula. ‘Yon ang tunay na pangalan ng komedyante.

Hindi naman comedian si Pokwang sa pelikulang nagpanalo sa kanya ng Best Actress for the first time. May ilang eksena sa pelikula na parang nakakatawa siya pero sa paglaon ay mari-realize ng viewers na kahabag-habag ang character n’ya sa mga eksenang ‘yon.

Isang malungkot at desperadang matandang dalaga na may-ari ng isang punerarya ang papel ni Pokwang sa pelikula. Desperada siyang magka-boyfriend kahit na isang magtataho “lang” na dumaraan sa harap ng bahay nila isa o dalawang beses sa isang linggo. Desperada rin siyang matubos sa pagkakasangla ang bahay at lupa na tinitirahan niya at ng biyudo na n’yang ama (na ginagampanan ni Joonee Gamboa).

Nakasanla ang bahay at lupa sa isang usurero na ang tawag noon ay “five-six.”

Sa kawalan n’ya ng pag-asa, kaibigan, pera, social life, sex, at romansa, ang kinaibigan na lang n’ya ay ang bangkay ng isang matandang babae na inilagak sa punerarya n’yang siya rin ang embalsamador. ‘Yun nga: nakatatawa siya noong una at pangalawang beses n’yang kinausap ang bangkay. Sa paglaon ng pelikula, madarama ng manonood na sumasaltik na ang utak ng matandang dalaga. Pati na rin ang kanyang ama na tinrato rin na parang buhay na miyembro ng pamilya ang bangkay na ang pangalan ay ni hindi nila alam.

Isa sa bale tinalo ni Marietta sa QCinema festival ay ang beteranang si Gina Pareno na siya namang pangunahing bituing babae sa entry na Hintayan ng Langit. Siyempre pa, may fans si Gina na gigil sa mga hurado ng QCinema habang galak na galak naman ang fans ni Pokwang.

Sana fantasya lang ang nangyari sa buhay ng mag-ama sa Oda sa Wala. Mag-ama silang walang Diyos. Ayaw na nga nilang makipagkaibigan sa kapwa tao nila, wala rin silang panahong makipag-ugnayan sa Diyos. Isang bangkay ang parang ginawa nilang Diyos sa buhay nilang pinili nilang gawing walang saysay.

Malaki ang bahay nilang antigo na nasa isang ‘di naman liblib na probin­siya. Ang bahay ay isang lote na masasabi na ring malaki: 430 square meters, ayon sa ganid na usurero na napakahusay na ginampanan ni Dido de la Paz (‘yung stage actor na biglang sumikat sa showbiz dahil sa pagganap n’ya sa Respeto, ang Best Picture sa Cinemalaya 2017). Ang daming gamit sa loob ng bahay na ‘yon na pwede nilang ibenta nang mahal ng paisa-isa para may dagdag na kita mula sa punerarya nila. Ni ayaw nilang taniman ang malaking lote nila para may dagdag sa pagkain nila. Tamad na matanda ‘yung ama.

Ang “oda” ay bale Tagalog ng Ingles na “ode,” na siyang tawag sa mga tula at iba pang literary composition na naka-address sa kalikasan, sa isang tao na ‘di-kaharap ng sumulat o nagsasalita, o sa kahit ano pa mang ‘di-nakikita.

At ang “wala” ay isang salin ng “the void” na siyang itinuturing na pinagmumulan ng bawat nilikha ng Diyos. Para sa ilang scholars ang The Void ay mismong ang Diyos. Para sa manlilikha ng Oda sa Wala na si Dwein, ang pelikula n’ya ay isang pakikipag-ugnayan sa Diyos para sa kapakanan ng mag-amang walang Diyos.

Magandang pelikula ang Oda sa Wala. Panoorin n’yo ito ‘pag ipinalabas na commercially nationwide. Baka maipalabas ito commercially bago mag-Metro Manila Fim Festival. Ang Hintayan ng Langitay iri-release na commercially simula sa November 21.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Barbie Forteza Jameson Blake

Barbie ‘gigil’ kay Jameson

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HMMM… sa mga lumalabas na tsika tungkol kina Barbie Forteza at Jameson Blake, parang …

Joshua Garcia Jojo Mendrez

Jojo Mendrez natulala, kinilig nang makaharap si Joshua

RATED Rni Rommel Gonzales ITINANGHAL na Male Celebrity of the Night si Joshua Garcia sa katatapos na 37th …

Madisen Go Anne Curtis

Madisen Go mala-Anne Curtis ang dating

MATABILni John Fontanilla FUTURE Anne Curtis-Smith ang dating ng isa sa bida ng advocacy film na Aking Mga …

Derek Ramsay Ellen Adarna Lily

Derek umalma sa fake news: Lily is my daughter and Ellen is a loyal wife!

MA at PAni Rommel Placente MAY tsika na umiikot mula sa isang showbiz website, na …

Rodjun Cruz Dianne Medina Dasuri Choi Boy Abunda

Rodjun sa mga basher: mga inggit ‘yan

MA at PAni Rommel Placente GAYA ng ibang artista, hindi  rin nakaligtas sa bashers ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *