MARAMING artista na naman ang tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na national and local election sa susunod na taon. Muling susubukan ni Gary Estrada ang kanyang kapalaran sa politika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang Vice Mayor ng Cainta, Rizal.
Noong 2016 ay tumakbo siya bilang Vice Governor ng Quezon Province, pero hindi siya pinalad na manalo. Ngayon kayang ang pagka-Vice Mayor naman ang tatakbuhin niya, suwertihin siya?
Si Sheryl Cruz ay gusto na ring pasukin ang daigdig ng politika. Nag-file siya ng Certicate of Candidacy bilang konsehal ng 2nd District ng Manila. Sa unang sabak sa politika ng aktres, suwertehin kaya siya? Matupad kaya ang pangarap niya na maging isang politician?
Ang dating Vice Mayor ng Makati City noong 1998 na si Edu Manzano ay nagsumite na rin ng COC para sa pagka-kongresista ng San Juan City. Noong 2010 ay tumakbo siya bilang Vice President at running mate ni Gilbert Teodoro, pero hindi siya pinalad na manalo.
Tumakbo naman siya bilang senador noong 2016 ay natalo rin siya. This time, sa pagtakbo niya bilang congressman, matalo na naman kaya ulit siya o suwertehin na?
Ang dating misis ni Edu na si Congw. Vilma Santos-Recto ay tatangkain muling makaupo bilang kongresista ng 6th District ng Lipa City, Batangas, para sa kanyang ikalawang termino. Sigurado kami na muling mananalo si Ate Vi. Mahal naman kasi siya ng buong Batangas.
Lahat ng posisyon na tinakbuhan niya rito ay nanalo siya, ‘di ba?
(ROMMEL PLACENTE)