Tuesday , February 7 2023
Sheryl Cruz, Jeric Gonzales
Sheryl Cruz, Jeric Gonzales

Jeric nairita kay Sheryl

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI ko alam kung ano ang intensyon ni Sheryl Cruz sa walang sawang posting ng kunwari ay may romansang namamgitan sa kanila ni Jeric Gonzales.

Tuloy-tuloy ang posting sa kanyang verified IG ng mga sweet moment eksena nila ng actor sa Magkaagaw na matagal nang tapos. Kung ongoing ang  Magkaagaw  afternoon serye ay ok lang at promo sa nasabing serye.

Matagal nang lumipas ang Magkaagaw ay tuloy pa rin ang posting sa IG ni Sheryl na kung titingnan mo parang may namagitan nga sa kanila. Ilang beses namin biniro si Jeric na tahasan niyang sinabi na wala silang naging relasyon at walang panliligaw na nangyari.

Finally, sa sobrang iritasyon ng aktor ay nagsalita na siya tungkol sa isyu. Sinabi niya sa zoom presscon ng Daig Kayo Ng Lola Ko Capt Bar­bie na walang ligawang naganap at walang kahit anong relasyon maliban sa magkasama sila sa serye.

Wala rin namang mga post si Jeric tungkol dito at puro kay Sheryl nanggagaling. Kaya iniisip ng iba na patay na patay si Sheryl kay Jeric. Akala tuloy ng iba may relasyon ‘yung dalawa. Paano pa makapanliligaw si Jeric kung tila pinalalabas ni Sheryl na may relasyon sila ni Jeric? Hay naku.

About Joe Barrameda

Check Also

Coco Martin MVP Manny V Pangilinan

Coco Martin nagpasalamat kay MVP, Batang Quiapo mapapanood sa TV5

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGBIGAY-PUGAY si Coco Martin kay TV5 Chairman, Manny V. Pangilinan sa pagbubukas ng pinto sa …

Ms Glenda Pinakamakinang The Brilliant Concert 2023

Ms Glenda ng Brilliant Skin kinikilig kay Alden, super crush pa rin

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago at talagang inamin ng CEO at lady boss …

Jan B Entertainment Digital artists

JanB talents pasisikatin ang mga newbie singer

INILUNSAD kamakailan ng JANB ENTERTAINMENT, isang hybrid (into digital, mainstream & on the ground media) company …

Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling

Philippine Navy Lady Chatterly pambato ng Pilipinas sa Mrs Universe 2022

MATABILni John Fontanilla ISANG lieutenant commander ng Philippine Navy, si Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, na naglilingkod sa …

Celeste Cortesi Jane de Leon Darna

Jane De Leon ipinagtanggol Darna costume ni Celeste Cortesi

MATABILni John Fontanilla KINONTRA ni Jane de Leon ang sinasabi ng karamihan na ang dahilan ng pagkatalo …

Leave a Reply