Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Malacañang employee timbog sa ‘sextortion’

ARESTADO ang isang empleyado ng Mala­cañang Palace  sa iki­nasang entrapment ope­ra­tion ng mga awtoridad makaraan pagbantaan ang dating girlfriend na ia-upload ang kanilang sex video at mga hubad na retrato kapag hindi naki­pagkita sa kanya sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi.

Dakong 7:30 pm nang madakip ang suspek na si alyas Romel, 40-anyos, support officer ng Citizen Complaint Hotline sa Malacañang Palace, at residente sa Tanza, Cavite, nahaharap sa ka­song light threat in relation to RA 9262 at Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009 sa Malabon City Presecutor’s Office.

Batay sa ulat nina  PO3 Corazon Nuque at PO2 Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), halos tatlong buwan nang magkarelasyon ang suspek at ang biktimang si alyas Katya, 30-anyos, call taker ng nasabing opi­sina sa Palasyo, at resi­dente sa Malabon City.

Ayon sa biktima, dahil sa ilang ulit na hindi pagkakaunawaan, nag­pa­sya siyang tapusin ang kanilang relasyon ngunit hindi pumayag ang suspek. Bunsod nito, pinag­bantaan ng suspek ang biktima na ia-upload ang kanilang sex video at hubad na retrato sa social media kaya napilitan ang babae na sundin ang mga iniuutos ng lalaki.

Kamakalawa ng gabi, hiniling ng suspek na muli silang magkita ngunit tumanggi ang biktima.

Dahil dito, muling nagbanta ang suspek na ilalabas sa internet ang kanilangs sex videos at hubad na retrato.

Ngunit humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na agad nagkasa ng entrapment operatipn na nagresulta sa pagka­kadakip sa suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …