PATAY ang isang ginang makaraan pagsasaksakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Gina Peru, 47, residente sa Brgy. Perez sa nabanggit na bayan.
Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Julius Victorino, 28, residente rin sa nasabing lugar.
Ayon kay Supt. Santos Mera, Jr., hepe ng Meycauayan police, nagalit ang lasing na suspek sa biktima dahil ayaw siyang pautangin ng alak.
Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik ang suspek sa tindahan at pinagsasaksak ang biktima.
Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek.
(MICKA BAUTISTA)