NABUKSAN din ang Pandora’s Box ni ‘wild and horny’ Amado Cruz matapas manindigan ang tatlong Miss Earth contestants sa ‘bastos’ na pakikitungo sa kanila ng isa umanong sponsor.
Sa tatlong nagreklamo, tanging si Miss Guam, Emma Mae Sheedy — ang tahasang tumukoy sa isang Amado Cruz, ipinakilala umano sa kanila bilang sponsor at nagmamay-ari ng maraming restaurants sa bansa, ang walang tigil na lumalapit at kumokontak sa kanya at sa iba pang contestants for sexual favors.
Sa magkakahiwalay na posts sa Instagram nina Miss Earth contestants Jaime VandenBerg ng Canada, Abbey-Anne Gyles-Brown ng Britain at si Emma Mae Sheedy ng Guam sinabi nila na halos isang buwan silang sexually harassed hanggang sa pinakahuling araw ng pageant nitong 3 Nobyembre.
Ayon pa sa mga contestant, kung itrato sila ni Cruz ay para silang mga guest relations officer (GROs). Mantakin ninyo, kinatawan ng iba’t ibang bansa bilang Miss Earth, tapos itatratong parang mga GRO?!
Kaya naman nag-resign sa Miss Earth sa Miss Guam at dali-daling umwi sa kanilang bansa.
At ang pinakamatindi rito ‘yung pagsayawin sila sa
Manila Yacht Club.
Klarong-klaro na sexual harassment ‘yan na ‘namumulaklak’ sa indecent proposals, sexual innuendos at walang katapusang hipo-hipo.
Sa kuwentong ‘yan ng mga constestants, kahit saang anggulo, e mawawatasan na sukdulan pala ang libog ng ‘matanda at nanghihina’ pa raw, sabi ng kanyang alalay, na si Mr. Amado Cruz?!
Ang hindi natin maintindihan kung bakit kumukuha nang ganyang klaseng sponsor ang Miss Earth. Pinakamaliit man sila sa apat na international pageants sa buong mundo, napakalaki naman ng kontribusyon nila sa pagtuturo sa buong mundo para mahalin ang kapaligiran.
Sa pamamagitan ng isang foundation mayroon silang partnership sa ating pamahalaan, at sa United Nations Environment Programme, ganoon din sa mga organisasyon gaya ng Greenpeace at World Wildlife Foundation.
Nakarating na umano sa kaalaman ni Ms. Lorraine Schuck, executive vice-president ng Carousel Productions, ang nagpapatakbo ng Miss Earth pageant.
Agad ipinag-utos ni Ms. Shuck na hindi dapat makita si Mr. Cruz sa mga susunod na event. Maliban umano sa coronation night dahil iyon ay public event, at hindi nila puwedeng pigilan si Mr. Amado Cruz.
By the way, ang Mr. Cruz kayang iyan ay ‘yung Mr. Cruz na minsang dumayo sa aming opisina at nakikiusap na ‘pagbigyan’ umano ang ‘maliliit na eatery’ diyan sa Intramuros sa harap ng mga kilalang unibersidad dahil kawawa naman daw ang mga estudyante?!
Pero inireklmao ng mga magulang dahil sa gabi pala ay ‘beer garden’ ang nasabing ‘eatery’?
Nagpapa-padrino ang ‘manyakol’ dahil kawawa naman daw ang mga estudyante na kung ‘lumaklak’ ng serbesa at iba pang uri ng drinks ay ‘til the last drop’ down.
O ‘di ba, may padron ang imoralidad ng Mr. Cruz na ‘yan sa Ms. Earth at ‘yung Mr. Cruz na nagsusumamo sa aming opisina?!
At ang hindi natin malilimutan diyan, ‘yung sabihin sa atin na mayroon daw siyang mga ‘estudyante’ sabihin lang daw sa kanya.
Pero kahit gusto nang umalagwa ng kamao ng inyong lingkod ay pilit nating kinontrol at ‘magalang’ at ‘mahinahon’ as in ‘pinipigil na gigil’ na tinanggihan ang alok ng bugaw ‘este ng businessman daw…
Wattafak!
Ngayon kung iisa po ‘yang Mr. Cruz ng Miss Earth at Mr. Cruz ng Intramuros eatery cum beer garden sa gabi, palagay natin ‘e hindi sapat ‘yung tanggalin lang sa beauty pageant kundi dapat pa siyang asuntohin para maintindihan niya kung ano ang ginawa niya.
Attention Ms. Schuck!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap