SINAMPAHAN ng kaso sa Makati Prosecutor’s Office ang dating coach ng Philippine Basketball Association (PBA) at sports car enthusiast na si Dante Silverio, makaraan mamaril sa kanilang lugar.
Inaresto si Silverio ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kasong alarm scandal.
Base sa ulat ng pulis-ya, si Silverio, 81, ay hinuli ng pulisya noong 9 Nobyembre, bandang 10:23 am sa loob ng Ecology Village, Brgy. Magallanes, Makati City.
Napag-alaman, inireklamo ng ilang residente sa lugar si Silverio dahil sa pagpapaputok ng baril na nagresulta sa pagkatakot ng mga naninirahan sa naturang village.
Ayon sa report na tinanggap ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, tinangka umanong tumakas ni Silverio gamit ang puting Toyota Fortuner nang puntahan sa kanyang bahay ngunit natiyempohan siya sa kanyang opisina sa S. Services Inc. sa Don Chino Roces Ext.
(JAJA GARCIA)