MATAPOS ang tatlong taon, muling nagsama-sama sa entablado ng University Theater ng UP Diliman ang mga kandidatang naglaban-laban para sa korona ng Queen of Quezon City 2018.
Si Casey Banes Paculan ang napili ng mga hurado dahil na rin sa maganda at maayos na sagot niya sa pagkakaroon ng slot ng LGBTQIA sa nakaraang halalan sa Amerika. At gaya ng nakasama niya sa apat na slots, umaasa sila sa pagdating ng pagkakataong makapag-lingkod ang LGBTQIA sa bayan.
Ang adbokasiya ni Casey ay may kinalaman sa paghubog ng gender norms. Ipinagbubunyi na ng samahan ang pag-aalaga sa kanilang mga karapatan ng pamumuno ni Konsehal Mayen Juico na sige pa rin sa pagsulong ng mga karapatan ng LGBTQIA.
Suportado ng Pride Council at iba pang mga samahan ang naganap na koronasyon.
Mula sa barangay Pinyahan ng Quezon City, ang alituntunin ni Casey sa buhay ay, ”You must tell yourself, no matter how hard it is or how hard it gets -I am going to make it!”
And she made it!
Bukod sa kanyang gemstudded crown at P300-K na premyo, katakot-takot na special prizes ang iniuwi ng Reyna! Ilan dito ay ang Symply G, Darling of the Press, Best in Swimsuit, at Best In Long Gown.
The event was hosted by debonair Paolo Bediones, Karen Agustin and anchored by Janelle Tee.
All the candidates and the three Ladies-Respect, Equality and Pride will continue to propagate their own advocacies. Para sa ikauunlad ng mga mamamayan ng kanilang mga barangay. Kundi man ng buong Pilipinas!
First runner-up at Lady Pride si Rami Hannash ng Barangay Sta. Lucia. Second runner-up at Lady Equality si Ghen Antolin ng Barangay Santa Monica.
Sina 2016 Bb. Pilipinas Grand International Nicole Cordoves, Miss Earth 2017 Karen Ibasco, fashion designer Albert Andrada, Japanese-Brazilian model Hideo Muraoka, at Asia’s Next Top Model 3rd Season contestant na si Monika Sta. Maria ang ilan sa mga hurado ng second edition ngQueen of Quezon City.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo