Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alma Concepcion
Alma Concepcion

Alma Concepcion, nalungkot sa sexual harassment sa Miss Earth

IPINAHAYAG ni Alma Co­ncep­cion na ikinalungkot niya ang pumutok na isyu ng sexual harassment sa tatlong Miss Earth 2018 candidates na sina Miss Canada Jaime Vandenberg, Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown and Miss Guam Emma Mae Sheedy.

Saad niya, “I felt bad, kasi in Bb. Pilipinas, wala kaming inte­raction at all sa sponsors, we see them from afar. For me, iyong masyadong too close interaction without protection, without security… I mean, kontrolado iyon dapat ng organizer. So, actually, matagal ko nang naririnig iyong mga ganoon…

“Nairita ako, kasi we’re sup­posed to market the Philip­pines in a nice way. We’re supposed to… they can create or destroy an image and I feel good and bad. Kasi good, dahil matututo na ‘yung taong concern, parang tumahimik ka na, umayos ka na and good din for the organizers, they should be on their toes,” wika ni Alma na naging finalist sa Miss International noon.

“Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula but too much interaction with the candidates, I think it’s wrong kasi sa expe­rience ko sa Bb. Pilipinas Charity ay walang ganyan. Sa amin, we just see the sponsors from afar, saka walang interaction na one on one, wala.  Pero ito, na ano, yate? Tapos wala naman silang security, it’s masyadong presko, it’s wrong. For me it’s wrong. It’s really really wrong. An organizer should protect the candidates,” saad ng isa sa BeauteDerm ambassadress ni Ms. Rhea Tan.

Si Alma ay bahagi ng proyektong Sarah and Cedie na isa sa anim na pelikula ng Flying High Productions ni Mr. Joshua Macapagal at mula sa direksiyon ni Errol Ropero. Ang lima pang indie films ng naturang produk­siyon ay Prince of MusicMy Music Hero TeacherMga Munting PangarapScience En Marsha, at A Walk To Remem­ber. Ang elementary and high school students ang target au­dience nila kaya naman ipapa­labas ito sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Kapag may indie project na dumarating, happy ba siya? “Of course, I always feel, every project whether interior design­ing or acting, lagi akong excited lalo na ito, iba ‘yung role ko rito, yaya. Kasi kadalasan kontrabida, madalas ako’ng mataray. So, matagal ko nang gustong magka­roon ng role na ganito, ‘yung hindi masyadong postura,” saad ni Alma.

Mahirap siyang gawing yaya, dahil maganda at sexy. Ano ang reaction niya rito? “Iyon ‘yung challenge, kasi bilang artista gusto mong umarte na hindi ikaw. Mas opposite, mas maganda, mas exciting. Enjoy ako sa dumarating na project, lalo na pag may variety. So eto, variety sa akin ito,” nakangiting pahayag ng aktres.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Macoy Mendoza, excited nang magkaroon ng single

Macoy Mendoza, excited nang magkaroon ng single

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …