Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Renshi de Guzman
Renshi de Guzman

Renshi de Guzman, magpaparamdam sa Class of 2018

MAY mahalagang papel ang newbie actor na si Renshi de Guzman sa horror-thriller movie na Class of 2018 na showing na ngayon. Si Renshi ay isa sa limang T-Rex Artists na magkakaroon ng malaking debut sa pelikulang ito, kasa­ma sina Shara Dizon, Hanna Francisco, Lara Fortuna, at Aga Arceo.

Sila ay gaganap bilang limang kaklase ng mga Goin Bulilit Alumni na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis.

Ito ay isang chilling film tungkol sa 24 mag-aaral na kabilang sa Section Zamora at ang naging disgrasya sa kanilang field trip. Isang virus na nakaapekto sa kanilang mga kaklase at naging marahas na nilalang ang mga estudyante, kaya mapipilitan silang lumaban para mabuhay sa gitna ng pagkakakulong sa isang liblib na pasilidad ng pamahalaan.

Si Renshi ay gumaganap sa pelikulang ito bilang si Louie, na isa sa mga class nerds. Siya ay 16 years old at napanood din siya sa Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana. Si Renshi ay nanalong G. NAASCU 2017 (National Athletic Association Schools, Colleges, and Universities) at Mr. De La Salle Araneta University 2017.

Ang budding matinee idol ay kasama rin sa paparating na horror movie na The Mirror ni Kenneth Dagatan, isang co-production ng T-Rex Entertain­ment at Star Cinema starring Heaven Peralejo, McCoy de Leon, at Yves Flores.

Paano niya ide-describe ang pelikula? “Iyong movie, eto ‘yung magpapa-realize sa tao na hindi porke’t mahina sa pag-aaral ay wala nang maitutulong sa lipunan.”

Ano ang masasabi niya kina Nash, Sharlene, CJ, Kiray, at Kristel? “Kina Nash, Sharlene, CJ, Kiray and Kristel po, nagus­tohan ko po sa kanila iyong way ng pag-treat po nila sa akin na hindi po nila pina­ramdam na bagu­han lang ako and ‘pag nakikita po nila ako na nahihirapan po, chini-cheer up po nila ako. Kaya po nagawa ko po ‘yung best ko noong shoot po,” saad ni Renshi.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …