Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, umeksena sa Class of 2018

PALABAS na sa 150 cinemas nationwide ang teen horror-thriller movie na handog ng T-Rex Entertainment, ang Class of 2018 na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Pang-millennial ang pelikula kaya tiyak kong magugustuhan ito ng mga kabataan. Sa pelikula’y tiyak na kayo’y matutuwa, maiiyak, magagalit, magugulat, at titili dahil sa mga eksena ng mga estudyanteng nagtungo sa isang lugar para tumuklas ng bagong species kaugnay ng kanilang Science project.

Hindi alam ng mga estudyante at mga gurong kasama na masusuong lang pala sila sa isang problema, ang pagkakaroon nila ng virus na magiging sanhi para magpatayan.

Sina Nash at Sharlene ang bida pero umeksena at hindi nagpatalo sa eksena si Kiray. Nariyang nagtulog-tulugan o magkunwaring patay para hindi maamoy ng estudyanteng may virus para hindi siya mapatay.

Nakakabuwisit din si Kiray dahil sa simula pagiging pabebe at feeling maganda.

Kasama rin sa pelikula si Kristel Fulgar na umaalingawngaw ang boses.

Pang-barkada ang Class of 2018 na gustong magtakutan aat magsisigaw sa loob ng sinehan. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …