Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Vice Ganda
Imee Marcos Vice Ganda

Hindi ko endorser si Vice, fan niya ako — Gov. Imee Marcos

“HINDI ko endorser si Vice Ganda!” Ito ang iginiit ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos nang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian noong Martes para sa kanyang kaarawan sa Nobyembre 12 sa isang restoran sa Quezon City.

Nag-viral at binigyang kulay ang pagkakasabay nila ng komedyante sa airport sa Ozamiz City at sinabing ineendoso siya nito bilang senador.

Natatawang paliwanag ni Imee, ”Naku tama si Vice. Hindi ko siya endorser. Ang totoo, fan niya ako. Kinunan kami ng picture. Alangan namang hindi ka babati. Walang endorse-endorse. Pareho nga kaming inaantok sa kaagahan, hahaha!” 

Nagtungo ang gobernadora sa Ozamis dahil guest siya ni Congressman Henry Oaminal sa state of the district address nito. Galing naman sa isang show si Vice at iisa ang sinakyan nilang eroplano.

Nagsalita na rin naman si Vice Ganda ukol sa pagkakasabay nilang iyon ng gobernador.

Natanong si Gov. Imee kung sakaling maging endorser niya ang komedyante eh, payag ba siya? Na sinagot naman niya ng, ”Bakit naman hindi? Ako pa ba na malapit sa gaya niya, hahaha!”

Samantala, natagalan namang tumakbong senador ang governor ng Ilocos Norte dahil, ”Kasi, baka antukin ako roon, hahaha! Puro daldalan dahil sa investigations. Pero heto, nahilingan at ang isa kong aayusin diyan ay ang MTRCB at isang governing body na magsasaayos sa movie industry.”

Kasama ring isusulong ni Imee, ang pag-angat sa kabuhayan ng mga mahihirap, todong suporta sa mga magsasaka, at pagsuspinde sa VAT bilang panglaban sa inflation.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …