Saturday , May 10 2025
Dwein Baltazar Pokwang
Dwein Baltazar Pokwang

Direk Dwein Baltazar, mahilig sa weird na tao

ISANG babaeng direktor ang nagpapanalo kay Pokwang bilang Best Actress for the first time (hindi Best Comedy Actress, na nakamit na n’ya sa Star Awards ilang taon na ang nakararaan). Tunog panlalaki ang pangalan n’yang Dwein Baltazar, ang namahala sa Oda sa Wala  na Marietta Subong ang ipinagamit n’yang pangalan sa komedyante.

‘Yon ang tunay na pangalan ni Pokwang. Hindi lang naman siya ang nanalo ng award para sa entry na ‘yon sa katatapos lang na QCinema festival kundi pati na si Dwein bilang direktor at bilang scriptwriter. Pinarangalan ding Best Picture ang pelikula.

Alam n’yo bang si Dwein ang scriptwriter ng Exes Baggage na umabot  sa P600-M ang kinita sa Pilipinas pa lang?

Ang direktor mismo ng Exes Baggage na si Dan Villegas ang kumuha kay Dwein na sumulat ng script. At isa si Dan sa bale tinalo ni Dwein sa QCinema. Hintayan ng Langit ang entry ni Dan. Isang award lang ang napanalunan nito: Best Actor para kay Eddie Garcia.

Pero bago ipinalabas ang Exes Baggage at Oda sa Wala, may idinirehe siyang pelikula na naging kontrobersiyal, ang Gusto Kita With All My Hypotha­lamus, na ayaw bigyan ng Cinema Evaluation Board ng rating. ‘Di raw qualified na mabigyan ng tax rebate ang pelikula na nagwaging 2nd Best Picture sa Cine Filipino 2018. Pangalawang pelikula ni Dwein ‘yon bilang direktor. Wala namang saysay ang Gusto Kita.

Masaya ang Gusto Kita kung ikukompara sa Oda sa Wala. Ang Gusto Kita ay tungkol sa apat na lalaking ‘di magkakakilala pero lahat sila ay nagkagusto sa isang mahiwagang babae—at lahat naman sila ay isa-isang pinagbigyan ng babaeng ‘yon sexually. At ang apat na lalaking ‘yon ay nakatira sa mga kalyeng Avenida at Claro M. Recto at nagtatrabaho (bagama’t ‘yung isa ay college student pa lang).

Pangatlong directorial project pa lang ni Dwein ang Oda, na siya ang pinakamalungkot at pinaka-nakakabagabag. Tungkol ito sa isang matandang dalaga at sa biyudo n’yang ama na parehong nasiraan ng bait. Kaysa makipagkaibigan at makihalubilo sa kapwa tao nila at manalangin sa Diyos para sa mga pangangailangan at pangarap nila, “nakipagkaibigan” sila sa  bangkay ng isang matandang babae na inilagak sa punerarya na pag-aari nilang mag-ama. Sa bangkay sila humihiling ng “suwerte.”

Hilig talaga ni Dwein gumawa ng pelikula tungkol sa mga weird na tao. Ang una n’yang directorial film ay ang Mamay Umeng na tungkol sa isang matandang lalaking 90 years old na, na nakakalakad pa pero mas concerned sa pagdating ng araw ng kanyang kamatayan.

Noong 2012 pa n’ya ginawa ang Mamay Umeng, na entry sa Cinema One Originals. At kahit na parang ‘di naman sumikat sa Pilipinas ang pelikula, marami itong narating na international film festivals na pinarangalan ito. Nag-asawa ang direktora pagkatapos niyon, at nagkaanak. Naging abala siya sa pag-aalaga sa anak at sa mister n’ya kaya bandang dulo na lang ng 2017 siya nakagawa ng pelikula, ang Gusto Kita With All My Hypothalus na nakasali sa Cine Filipino Film Festival noong March 2018. And, then, ang Oda sa Wala na ang pinagkaabalahan n’ya.

Sa isang Catholic school (Colegio de San Juan de Letran) sa Intramuros nagtapos ng Communication Arts si Dwein. Baka sa eskuwelahan  na ‘yon na-develop sa kanya ang malasakit sa matatanda, sa mga tao na weird, at sa mga ni ayaw umasa sa Diyos at mas gustong maging mga desperado na.

Noong 2010 siya nagsimulang magtrabaho sa film industry bilang stylist. ‘Yon ang trabaho n’ya para sa musical film na Emir, na idinirehe ni Chito Rono.

Wala pa siyang binabanggit na susunod n’yang film project bilang direktor o bilang scriptwriter.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *