Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
construction

6 laborer arestado sa pagbatak ng bato sa construction site

ANIM kalalakihan na pawang construction worker ang nadakip makaraan mahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa kanilang barracks sa construction site sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerick Roy, 29, welder; Anselmo Cabatingan, 52, machine operator; Jessie Ballecer, 45; John Oliver Reyes, 28, helper; Jomar Yandoc, 28, crane operator, at Mark Anthony Dumalay, 39, crane rigger.

Batay sa ulat ni PO3 Ana Liza Antonio, ang anim ay nadakip makaraan makatanggap ng tip ang pulisya hinggil sa isinasagawang pot session ng mga suspek sa kanilang barracks dakong 5:00 ng hapon sa Salazar St., Brgy.Wawang Pulo sa nasabing lungsod.

Nakompiska mula sa mga suspek ang apat sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nabatid na ang mga nadakip ay pawang mga trabahador sa mga ipinatutupad na proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …