Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Senatoriables dedma sa wage hike

NGAYONG mainit na pinag-uusapan ang taas-sahod na hinihingi ng mga manggagawa sa kanilang mga employer, nakapagtataka naman kung bakit tahimik at walang kibo ang mga tumatakbong senador tungkol sa usaping ito.

Nasaan na ang maiingay na senatoriables bakit ngayon ay parang walang mga boses at ayaw magbigay ng komentaryo hinggil sa mini­mum wage hike. At nasaan na rin ang sinasabi ng mga nasabing kandidato na kakampi sila ng mga inaaping manggagawa?

Oo, eleksiyon na nga, at kailangan din balansehin ng mga tusong senador ang kanilang mga sasabihin para hindi masayang ang kanilang target na mga negosyante na maaaring magbi­gay sa kanila ng tulong-pinansiyal sa panahon ng kampanya.

Kamakailan lang kasi, ang isyu sa wage increase ay ‘madugong’ pinag-usapan sa hanay ng mga manggagawa.  Hiling ng mga mangga­gawa sa Metro Manila, bigyan sila ng P334 wage increase. Sa kasalukuyan ay P512 ang daily minimum wage, na talagang hindi sapat para sa araw-araw na gastusin, lalo pa’t walang tigil ang pagsirit ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pero mukhang sinupalpal kaagad ang mga manggagawa dahil sa kabila ng mataas na presyo ng mga bilihin, kakarampot na P25 lang ang dagdag na suweldong ipagkakaloob sa kani­la ng mga negosyante.  Wala nga namang maga­ga­wa ang mga manggagawa kundi ang sundin ang ipinag-uutos ng regional wage board.

Kaya nga, kung magtutuloy-tuloy ang protes­ta ng mga obrero dahil sa karampot na wage increase na ipinagkaloob ng administrasyong Digong, isama na rin nila sa kanilang panawagan na huwag iboto ang mga senador na hindi tumulong sa mga manggagawa.

Unahin na ng mga manggagawa na ipana­wagang huwag iboto ang mga kababaihang kandidato sa Senado na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay at Pia Cayetano.  Wala rin maaasahan ang mga mang­gagawa kay Senador Koko Pimentel at maging sa dating Senador na si Jinggoy Estrada, kaya hindi rin sila dapat suportahan sa darating na halalan.

Kung tutuusin, malinaw na ipinagpalit ng senatoriables ang mga manggagawa sa mga negosyante.  Ayaw ng senatoriables na ‘masa­ling’ ang mga kapitalista dahil malaki nga naman ang magiging pakinabang sa kanilang kandi­datura ngayong papalapit na ang kampanya.

Pero lintik lang ang walang ganti ‘ika nga, dahil tiyak na sasakit ang ulo ng mga kandidatong senador, lalo na kung sa mga protesta ng mga obrero ay laging dadalhin ang isyu sa ginawang pangdededma sa kanilang petisyon na itaas ang kanilang sahod.

Kaya nga, humanda na ang mga kandidatong senador na anti-labor at pro-employer dahil sa mga susunod na buwan ay unti-unting dadaus­dos ang kanilang mga pangalan sa survey dahil sa ginawang pagbalewala sa karaingan ng mga manggagawa.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *