Saturday , November 16 2024
dead baby

3-anyos paslit patay sa baliw na amok, suspek tigok sa kuyog

IRIGA CITY, Camarines Sur – Patay ang isang 3-anyos paslit makaraan pagtatagain nang nag-amok nilang kapitbahay sa Brgy. San Antonio, nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nagulat ang pa­milya ng biktimang si John Andrew Albaño nang makitang nagwawala ang kapitbahay na si Hassel Namoro habang armado ng itak.

Kuwento ni Joseph, ama ng biktima, nakita niyang tumatakbo pa­pun­ta sa kanilang bahay si Namoro kaya agad niyang ikinandado ang kanilang bakuran ngunit nakakita ng daan ang suspek papasok.

“Sinikyur ko ‘yung gate namin, itinali ko para ‘di siya makapasok. Hu­ma­nap siya ng diversion diyan sa may palayan, diyan siya dumaan. ‘Di namin na ano na umikot sa kabila,” aniya.

Dagdag ni Angeline, ina ng biktima, ikinakan­dado niya ang harapang pinto ng kanilang bahay nang marinig niyang kumakalabog ang pinto nila sa likod.

“Ngayon inila-lock ko pa lang ang pintuan. May narinig akong kumalabog, pagtingin ko sa likod, ‘yun na pala ‘yun. Nata­kot ako kasi iba na ‘yung mukha. Iba ‘yung muk­ha,” aniya.

Kuwento ni Angeline, siya ang unang tatagain ng nagwawalang kapit­bahay kaya umiwas siya at tumakbo. Agad sumu­nod sa kanya ang 13-an­yos niyang anak ngunit naiwan ang bunso.

Tumakbo pabalik ang ina para sagipin ang anak sa kamay ng nag-amok na kapitbahay ngunit agad naikandado ng suspek ang pinto kaya hindi na siya nakapasok.

“Hahablutin ko sana, ‘di ko naabot ‘yung ka­may. Nasarado na niya ‘yung pintuan, ‘yung baliw, naipit pa nga ako rito. Na-trap po sa loob ang anak ko,” umiiyak na kuwento ni Angeline.

Ayon kay SPO2 Eugene Aleflor ng Iriga City police, nagawa ng mga kapitbahay na pasu­kin si Namoro at saka nila pinagbabato hanggang mamatay. Ngunit sa puntong ito, tinaga na ng suspek ang paslit.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *