NASAGIP ang lahat ng 12 tripulante mula sa lumubog na barko na patungong Boracay, sa Caticlan coast sa Malay, Aklan nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.
Sinabi ni Capt. Armand Balilo, Coast Guard spokesperson, ang LCT Bato Twin vessel ay nakitang nakalubog na ang kalahating bahagi dakong 10:25 am.
Ayon kay Balilo, ang barko na may kargang buhangin at bato, ay bumibiyahe mula sa Sambiray port sa Malay patungong Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay Island, nang mangyari ang insidente.
Aniya, agad nagpadala ng rescue team ang Coast Guard upang sagipin ang mga tripulante bago tuluyang lumubog ang barko. Hindi pa mabatid ang sanhi ng paglubog ng barko.
“Further information also states that said LCT is carrying diesel as its fuel. It’s already okay, the only problem is the oil, but it seemed okay, there is no (spill). It’s carrying diesel,” dagdag ni Balilo.