EWAN ko ba si Direk kung bakit ganyan. Ang nasagap naming kuwento, mukhang nababaliw na naman si Direk sa isang dating sumasali raw sa mga mens’ bikini contest na ngayon ay therapist na rin sa isang spa.
May hitsura naman daw ang lalaki, pero bakit ba ganoon naman ang mga trip ni direk. Kung sa bagay, nakaiiwas nga naman siyang baka may magreklamo pa laban sa kanya ng sexual harassment kung mga matitino talaga ang lalapitan niya. Iyong mga ganoon nga namang tao, walang reklamo basta tama lamang ang bayad mo.
Pero direk, napaka-cheap. (Ed de Leon)