SA press visit kamakailan sa taping ng Onanay ni Nora Aunor, namataang namumudmod siya ng pera sa mga bata. Mga batang mahihirap at senior citizens
Napakagalante at bukas-palad talaga si Guy.
Teka, sinong artista ba ang maituturo ninyong may ugaling katulad niya?
Well, marahil ‘yung mga artistang kakandidato, magpapamigay ng tig- P200 o P300 kaya para iboto sila.
Natatandaan din si Guy noong minsang ihatid ni RS Francisco sa taping na nagkataong papunta rin doon ang actor. Namigay din si Guy ng pera sa mga bata noong pagkaguluhan sila habang nagpapagasolina.
Namigay din siya sa mga staff bago maghiwa-hiwalay.
Hindi milyonaria si Guy na nagsusuot ng mga mamahaling gown na kasing mahal ng isang condo, pero nakakapag-share siya ng blessings sa kapwa. No wonder, maamo ang kapalaran sa nag-iisang Superstar.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales