Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Rey Soldevilla

Yasmien at Rey, ‘di isyu ang loyalty at faithfulness

TINANONG namin si Yasmien Kurdi kung ano ang sikreto sa halos mahigit sampung taong pagsasama nila ng mister niyang pilotong si Rey Soldevilla, Jr..

“Respect, trust, at saka loyalty,” ang sagot sa amin ng Kapuso actress.

Ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng problema ni Rey tungkol sa loyalty and faithfulness ni Rey sa maraming taon ng kanilang relasyon.

“Wala, never.

“Imagine, long-distance relationship kami five years pero never kaming nagkaroon ng ganoong isyu.”

Hindi ba seloso si Rey? Maganda si Yasmien at artista.

“Hindi po. Pero ako selosa,” at tumawa ang Kapuso actress. ”Kasi before like noong nasa Emirates pa siya before, siyempre marami talagang magagandang girls doon.”

Pero wala namang nagpa-cute kay Rey noong mga panahong iyon na nakadestino sa ibang lugar ang mister ni Yasmien.

“Kasi ‘pag may nalalaman na ako, lumilipad na ako papunta roon. Sunod na araw, nandoon na ako sa pintuan, ‘Hi, I’m here!,” at tumawa si Yasmien.

Kapag may biyahe si Rey ay hindi kinakabahan si Yasmien sa safety ng asawa niya habang nagpapalipad ito ng eroplano.

“Hindi na po, hindi na po. Sanay na rin po ‘yung feeling. I mean, mas… safest transport nga ‘yung air kaysa land, eh. Nasa statistics, safest means to travel by air kaysa land.”

May nadarama bang nerbiyos o kaba si Yasmien kapag nakakabalita siya ng mga mag-asawa, lalo na sa showbiz na naghihiwalay.

O lalo silang nag-e-effort ni Rey na alagaan ang relasyon nila?

“Ako po nasa-sad kasi nasasayangan ako.

“Siyempre sa relationship and for the kids talaga. Malaking effect ‘yun for the kids kasi sana… sana, like hindi naman ibig sabihin family din naman kasi, ibig sabihin may nanay, tatay ganyan, hindi naman ibig sabihin ganoon.

“Family can be kahit saan basta you feel at home, it means family, ‘di ba, parang ganoon.

“Pero ‘yung mga ganoon nalulungkot lang ako, na sana, sana naging okay.

“Pero iyon lang…”

Confident ba si Yasmien na hindi mangyayari ang ganoon sa kanila ni Rey, na hindi sila magkakahiwalay?

“Yes, yes, I’m confident,” ang mabilis na sagot ni Yasmien.

“As long as na si God ang center ng relationship, and takot kami sa sin and natatakot kaming magkasala, and ‘yung anak namin love namin and all.”

Si Rey ba ay may pinagselosan na kay Yasmien?

“Wala naman, wala naman.

“Pero ‘pag nagseselos siya ‘yung parang walang kuwenta ‘yung parang ano. Parang nagseselos siya sa… pangit. Charot,” at tumawa si Yasmien.

“Hindi, parang… sorry ha, I’m sorry, I’m sorry po, ang bibig ko!

“Sorry po magkakasala ako. Hindi, I mean sinasabi ko na, ‘Pangga, ang layo ng guwapo mo riyan! Hindi puwedeng ganyan.’

“Like, ‘kailangan ‘pag magseselos ka ‘yung… bigyan mo naman ako  ng kaunting taste.’

“Mahilig kasi ako sa guwapo, ako talaga, like mahilig talaga ako sa guwapo, na guwapong Pinoy, ha?

“Kaya sabi ko, ‘Pero sana bigyan mo naman ng kaunting taste ‘pag magseselos ka ‘yung tipong malapit-lapit sa iyo. Huwag ‘yung malayo kasi nakaiinsulto.’”

Ano ang isinasagot sa kanya ni Rey?

“Wala, natatawa,” ang tumatawang kuwento ni Yasmien.

Kahit sa social media ay marami ang pumupuri sa kaguwapuhan ng mister ni Yasmien.

“Proud po ako!

“Natatawa nga ako mayroon silang parang memes, may fan na may ginawa siya, sabi, ‘Iniwan ka na ba sa ere? Hayaan mo susunduin ka niya.’

“O kaya, ‘Hindi lahat ng guwapo artista, ang iba ay piloto!’

Piloto ng Cebu Pacific si Rey.

“Nakatutuwa at nakaka-proud,” sinabi pa ni Yasmien.

Bida si Yasmien sa episode ng Magpakailanman sa Sabado sa GMA.

May pamagat na The Haunted Wife, kasama niya rito sina Mike Tan, Neil Ryan Sese, at Renz Fernandez.

Ito ay sa direksiyon ni Lore Reyes.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …