Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dovie San Andres
Dovie San Andres

Throwback photos ni Dovie San Andres maraming nag-like

Uy noong kabataan niya o during 90s ay may itinatago palang kaseksihan ang controversial personality na si Dovie San Andres. At lahat ng throwback photos ni Dovie ay naka-post sa kanyang official Facebook account at umani ng maraming likes.

Ayon kay Dovie, nang aming maka-chat ay alaga talaga niya ang kanyang katawan noon na aside raw sa moderate siya kung kumain ay madalas siyang mag-excercise kasi gusto talaga niyang mag-artista. Kaso noong handa na siyang pasukin ang showbiz ay kontra sa ambisyon niya ang kanyang pamilya sa Bicol kaya walang nagawa si Dovie, kundi ang tanggapin na lang ito.

Pero dahil talagang gustong umarte sa kamera at nagkataon na noong 2009 ay may nag-alok sa kanyang director na igagawa siya ng pelikula na siya ang gaga­wing bida at ang kanyang mga anak basta siya ang magpi-finance. Naniwala naman agad ang nasabing personalidad at hindi niya alam, hustler pala sa pan­loloko o scam ang direktor-direktoran.

Ngayon ay desidedo na si Dovie na ituloy ang kanyang unang indie movie na ipo-produce at ilan sa makakasama niya sa pagbi­bidahang sariling project ay sina Stanley Villanueva at mga indie actor na sina Khristian Michael Villanueva at Ian Monteverde.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Sarah Lahbati sumugod sa Barangay
Sarah Lahbati sumugod sa Barangay
Young actor Christian Gio sasabak sa iba’t ibang challenge sa “Galing ng Pinoy”
Young actor Christian Gio sasabak sa iba’t ibang challenge sa “Galing ng Pinoy”
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …