Thursday , January 9 2025
Marian Rivera Rei Tan Reverie by BeauteDerm Home
Marian Rivera Rei Tan Reverie by BeauteDerm Home

Marian Rivera at Rhea Tan, nag-collaborate sa Reverie by BeauteDerm Home

“METIKULOSA ako, maarte ako bilang isang ina, noong unang sinabi sa akin ang product, sabi ko pu­wede ko bang makita, puwede ko bang su­bukan? Kasi ako kapag nag-e-endorse, roon ako talaga sa pro­duk­tong gagamitin ko, pi­nag­kaka­tiwa­laan ko at irerekomenda ko,” ito ang ipinaha­yag ni Marian Rivera sa

matagumpay na launching niya bilang kauna-unahang cele­brity endorser ng pina­ka­bagong line of pro­ducts ng BeauteDerm, ang Reverie by Beaute­­derm Home.

Ginanap ito last Oct. 23 at malugod na sinalubong ng Beaute­derm Cor­po­ration sa pangu­nguna ng lady boss nitong si Rhea An­icoche-Tan ang Primetime Queen ng GMA-7.

Ano ang masasabi niya na part na siya ng BeauteDerm family? “Alam mo nakatataba ng puso, last year pa ito, matagal namin itong itinago.  Lahat ang scents na iyan, pati bottles at kulay, ako ang pumili,” diin pa ni Marian bilang patunay ng kanyang personal involvement sa bago niyang endorsement.

Itinatag ang Beautederm noong taong 2009 ng Presidente at CEO nitong si Ms. Rhea na kinakatawan ang prinsipyo niya na nagsisimula ang kagandahan kapag inalagaan natin ang ating mga sarili, at sa pagawa nito, magiging malusog ang isang tao at aapaw ang kagandahan hindi lamang sa labas ngunit sa loob din.

Bilang isa sa mga pangu­nahing lider ng industriya ng beauty at wellness, binibig­yang halaga ng Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito. Ang mga produkto ng Beautederm ay guma­gamit ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama upang maka­pag­bigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong resulta na pare­hong long-term at sus­tainable. Isang consistent Super­brands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beaute­derm ay Beautederm Skin Set na may­roong patented soap, day cream, at toner; ang Beaute­derm Facial Wash; at ang Beautederm Origin Senses perfumes for men – na lahat ay top-selling na mga produkto sa merkado ngayon.

Sa kasalukuyan, mayroong 44 physical stores ang Beautederm sa iba’t ibang panig ng bansa at mayroon itong higit sa 100 resellers ‘di lamang dito ngunit sa ibang bansa rin.

Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line ng home scents – mula sa soy candles hanggang sa mga room at linen sprays – na nilikha ng Beautederm sa pakikipag­tulungan kay Marian upang ma­pa­bango ang bawat tahanan.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian noong siya ay dalaga pa at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relaks habang nag-e-enjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beauteful scents of love ng Beautederm Home. Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabi­bilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) – lahat ay pawang nilikha mula sa pormu­lasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

Isang icon ng kagandahan na mayroong timeless charm at a keen sense of style na sina­mahan pa ng soothing aura of motherly warmth – ilan lamang ito sa mga katangian kung bakit si Marian ang isa sa pinaka­respetado, enduring, at credible brand endorsers sa Filipinas ngayon. Hindi matatawaran ang track record ni Marian pagdating sa mga desisyon niya sa kan­yang karera at personal na buhay.

Bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa industriya, nagbida siya sa maraming critically-acclaimed na mga pelikula at sa isang consistent string top-rating primetime series sa Kapuso Network, isa na rito ang katatapos lamang na drama-action-fantasy top-rater na Super Ma’am. Isa rin siya sa mga main hosts ng Sunday afternoon variety show ng GMA-7, ang Sunday Pinasaya.

Gayonman, top priority ni Marian ang kanyang ultimate role bilang asawa, ina, at homemaker sapagkat only the best lamang para sa kanyang pamilya ang kanyang nais. Para kay Marian, ang pagkakaroon ng maligayang tahahan ay pagkakaroon ng isang warm, safe, at pleasant na environment na nag-uuma­paw ang love, care, at comfort.

“Sa wakas, ito na po ang isa sa mga best kept secrets ko – ang Reverie by Beautederm Home,” sabi ni Marian.

Aniya, “Ito talaga ang aking personal choice para sa akin at para sa aking pamilya. Nagpa­pasalamat ako sa Beautederm at kay Rhea para sa tiwala na i-represent ko ang amazing line of products na ito. Talagang ginagamit ko po ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakare-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat.”

Ano’ng reaksiyon niya na lalong lumalaki ang BeauteDerm family?

Tugon ni Ms. Rhea, “So­brang happy kasi Ate Sylvia, as the overall brand ambas­sador, she’s the face overall, kasi she can promote this, e. So, we have Arjo (Atayde) also as the face of perfume, and now Marian as the face of BeauteDerm Homes. Kasi nga iba-iba sila pero iisa kaming pamilya at walang kompetisyon kasi kanya-kanya sila ng ini-endorse. ‘Yung tama lang, like family, pang-family sa kanya. So ang mangyayari niyan, masaya ako kasi nga tulong-tulong at malalaki na ‘yung kasama sa mga endorsers ko. So, ibig sabihin ‘yung dream ko na maging household name ang BeauteDerm ay matutupad na, unti-unti. With their help, talagang unti-unti natin mara­ra­ting na, kasi gusto kong iparating how beautiful our product is.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Masakit na lalamunan at pamamaos pinagaan ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isang masaganang …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *