ISANG lalaking inatake sa puso at isusugod sa ospital ang tumilapon sa kalsada makaraan mabangga ng isang SUV na minamaneho ng isang doktor ang sinasakyang service vehicle ng barangay sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, kabilang din sa nasugatan sa insidente ang anak ng pasyente, driver ng service tricycle at dalawang iba pa.
Nabatid sa imbestigasyon ng mga awtoridad, patawid sa panulukan ng Padre Faura St. at Taft Avenue ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima nang mahagip sila ng SUV na minamaneho ni Dr. Juan Lorenzo Labayen.
Sugatan umano ang lahat ng limang sakay ng barangay service, at tatlo sa kanila ang malubha.
“‘Yung sigaw po no’ng boses ng babae pamilyar sa akin, ang sigaw niya agad ‘Tulong, tulong!’ Tapos pagtingin ko nakita ko na lang ‘yung pamangkin ko nakahandusay do’n sa isang sulok,” sabi ni Emily Prado, kamag-anak ng mga biktima.
Habang ipinaliwanag ni Labayen na berde pa ang traffic light sa kaniyang linya kaya tumuloy siya hanggang makasalpukan ang tricycle. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung sino ang may pana-nagutan sa insidente.
Check Also
Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE
ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …
Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON
NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …
Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center
Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …
Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila
NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …
Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …