Saturday , November 16 2024

Abra gov supporters todas sa ambush

Hataw Frontpage Abra gov supporters todas sa ambush
Hataw Frontpage Abra gov supporters todas sa ambush

BAGUIO CITY – Patay ang dalawang lalaking sinabing supporter ng isang politiko makaraang pagbabarilin sa Brgy. Kimmalaba sa bayan ng Dolo­res, Abra, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Pilor at Roland Lasara.

Ayon sa mga pulis, posibleng shotgun ang ginamit na baril sa pag­patay. Nakamotor ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Kinondena ni Abra Governor Jocelyn Bernos ang nangyari. Aniya, supporter niya ang dala­wang biktima.

“I condemn this incident, this killing… Actually supporter natin na matagal na ‘yun when I started my political career. Volunteer na natin ‘yung mga ‘yun. Sa akin lang as a governor we have achieved the much awaited peaceful com­munity in our province, not until this incident happened,” ani Bernos.

Hindi pa tiyak ng mga pulis kung ano ang motibo sa pagpatay. Hindi rin nila masabi kung may kaugnayan ito sa politika.

Desmayado rin si Dolores Mayor Victor “JR” Seares sa nangyari at sinabing iimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

“I need to know what’s behind this killings… Ang sa akin lang is I want the police to dig deeper kasi for the past three months magulo ‘yang barangay na ‘yan kasi may namatay na dalawa riyan. E ang itinuturong trigger man o mastermind ‘yung nama­tay [si Pilor] ano ba ‘to retaliation? Politically motivated? Drug rela­ted?” ani Seares.

Makakalaban ni Bernos si Seares sa pag­ka-gobernador sa Abra sa May 2019 elections. Kasa­ma rin sa tatakbo para sa parehong posisyon ang pinsan ni Seares na si Loreto Seares, Jr.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *