Monday , December 23 2024
Pink Filmfest Nick Deocampo
Pink Filmfest Nick Deocampo

Sekswalidad, karapatan, tampok sa Pink Filmfest 2018

MATAGAL ding nagpahinga ang Pink Filmfest na pinalaganap ni Nick Deo­campo.

At matapos nga ang tatlong taon, ipinapasa na ni Prof. Nick ang kanyang korona sa mga bagong dugong magpapatuloy ng Quezon City International Pink Film Festival 2018 sa pamumuno ng mga bata pang sina Gilb Baldoza, deputy director for festival programming; at KC Sulit, deputy director for festival logistics.

“Nararamdaman ko na ang hina ng tuhod ko. At medyo dumudulas na ang hairpins ng korona ko kaya ipagkakatiwala ko naman ito sa kanila. Hati nga ang korona ko sa kakayahan ng dalawang ito. Sakripisyo on my part kasi gusto ko pa ring gumawa ng pelikula at ituloy pa ang paglalabas pa ng libro ko. Pang –Emeritus na kumbaga. Ako pa? I only work with intelligent people. And very dedicated sa LGBT activities.”

Kasabay ng pagbubukas ng QCIPFF sa Nobyembre 14-25, 2018 ang paghahatid din sa kamalayan ng mga manonood sa karapatan, kalusugan, at trabaho para sa mga miyembro ng LGBT sa bawat barangay. Naipasa na ang anti-discrimination bill pero hindi naman lahat ay nakaaalam sa kanilang mga dapat na malaman tungkol sa bagay na ito. Lalo pa at sa Quezon City, base sa paga-aral at pagsasaliksik na tumataas ang kaso ng mga may HIV.

Masaya naman si Prof. Nick sa pakikipagtulungan kay Konsehala Mayen Juico sa pagpapatuloy at pagsasagawa ngayon ng nasabing festival na ang tampok na opening film ay ang 50 Years of fabulous ni Jehtro Patalinghug; ang mga pelikulang Traslacion ni Wil Fredo,  Mga Gabi’ng kasinghaba ng Hair Ko niGerardoCalagui; ang tribute kay Soxie Topacio sa kanyang Ded na si Lolo; ang Call Her Ganda ni PJ Raval; at ang closing film na It Runs in the Familyni Joella Cabalu.

May short at international films din mula sa Brazil, Tonga, Indonesia, Spain, Taiwan, Japan. Thailand, Syria, Turkey, at UK.

Tumutugon ang Filmfest sa ordinansang ibinaba ng Sangguniang Panglungsod ng Quezon na naglalayong protektahan ang mga karapatang pantao ng komunidad ng LGBTQ+. Kaya naman tampok ang mga pelikulang may kaugnayan sa sekswalidad at kalusugan. At magsasagawa ng mga seminar na pangungunahan ng mga grupong nagsusulong sa karapatang pantao.

Mapapanood ang mga pelikulang tmapok sa Pink filmfest sa Gateway Cinema Complex  sa Cubao sa Nobyembre 19-21; University of the Philippines Cine Adarna sa Nobyembre 22-25; at sa Cinema Centenario sa Nobyembre 22-25.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo


Songbird, gusto ring lumabas sa Ang Probinsyano

Songbird, gusto ring lumabas sa Ang Probinsyano

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *