HINDI matigil iyong usapan tungkol sa MMFF. Ngayon ang lumalabas naman, ang talagang final choice at nasa listahan talaga ng pelikulang kasali ay iyong pelikula ni Brillante Mendoza. Pero noong magkaroon ng announcement, ang kasali na ay ang pelikula ni Joven Tan. Hindi naman kami naniniwalang iyon ay isang kaso ng “misreading”. Kung nabago iyon bago ang final announcement, may nagbago at ang tanong ay sino iyon?
Pero mahirap mong hanapin kung sino iyon dahil sinasabi rin nila na ang deliberations ng screening committee ay confidential at hindi dapat inilalabas sa publiko. Iyon nga lang, natsismis pang nagkasigawan dahil sa pagbabagong iyon.
Mahalaga pa naman ang festival para sa dalawang pelikulang iyon. Kung hindi sila kasali sa festival, mahihirapan naman silang makakuha ng sinehan na maglalabas ng kanilang pelikula.
HATAWAN
ni Ed de Leon