Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust

HULI ang isang beautician at tricycle driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head, C/Insp. Rengie Deimos, dakong 10:30 pm nang isagawa nila ang buy-bust operation laban sa umano’y tulak ng droga na sina Vergel Manansala, 33, tricycle driver, at Manuelito Ledesma, 51, beautician, sa Deparo Road, Brgy. 168.

Makaraan iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu, na P200 ang halaga, sa undercover police na umaktong poseur-buyer, ay agad silang inaresto.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. 9mm pistol na may magazine at kargado ng walong bala, at buy-bust money.

Habang inaresto rin ang ina ni Manansala na si Maria Elena, 53, dahil sa kasong “obstruction of juctice” nang pigilan ang pag-aresto sa kanyang anak. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …