Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Lea Salonga
Aga Muhlach Lea Salonga

Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens

SABI na nga ba eh, may magre-react doon sa comment ni Lea Salonga sa pagkanta ni Aga Muhlach ng “pasado sa lakas ng loob at kapal ng mukha.” Ang hindi alam ng mga tao, iyan ay isang running joke na noon pa biruan ng dalawang artista.

Alam naman natin na simula sa pagkabata ay isang magaling na singer si Lea, actually doon siya nakilala. Iyon din ang dahilan kung bakit nakuha siya sa Miss Saigon. Iyon din ang dahilan kung bakit siya napasok sa showbusiness noong araw pa. Iyong pagiging aktres ni Lea ay masasabi nating naging bunga na lang ng kanyang pagiging isang mahusay na singer.

Iba naman talaga ang pasok ni Aga. Si Aga ay unang nakilala bilang isang teen idol. Mabilis niyang nakuha ang atensiyon ng publiko sa kanyang pagsasayaw, kasikatan kasi noon ni Michael Jackson at naipakita ni Aga na kaya rin niya ang ginagawa ng King of Pop.

Dahil sa matinding kasikatan ni Aga, nagkaroon siya ng isang TV show na kailangan niyang kumanta. Aminado naman si Aga, hindi siya magaling na singer pero nakalulusot eh. Kahit na sabihin mong minsan nawawala sa tono, hindi mo mapapansin iyon dahil sa tilian ng kanyang  fans. Sa kanila wala na silang pakialam kung paano siya kumanta, basta kumanta siya okey na sa kanila.

Baka nakalimutan ninyo, nagkaroon ng album si Aga noon sa OctoArts. Isa lang ang kanta niya sa buong album. Iyong iba cover versions ng ibang kanta, pero ang album na iyon ay naging isang malaking hit dahil sa kanta ni Aga. Tapos nagkaroon pa sila ng duet ni Lea, na nakasama rin sa soundtrack ng pelikulang ginawa nilang dalawa, sa OctoArts din.

So talagang matagal na nilang biruan iyan. Hindi ba kahit naman si Aga nagbibiro rin sa lahat ng tao walang bilib sa pagkanta niya si Lea. Pero hindi panlalait iyon kundi biruan lamang. Kaya nga lang iyong biruan ay nasa social media, kaya napapakialaman ng mga wala namang pakialam dapat.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …