INAPROBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag sa minimum na pasahe sa mga jeep.
Sa desisyong inilabas nitong Miyerkoles, pumayag ang LTFRB sa hiling ng transport groups na taasan ang minimum na pasahe sa mga jeep.
Mula P8, permanenteng itataas sa P10 ang minimum na pasahe.
Magiging epektibo ang desisyon, 15 araw makaraan ilathala sa mga pahayagan kaya magsisimula ang pagpapatupad sa bagong minimum na pasahe sa Nobyembre.
Pumirma sa desisyon sina LTFRB chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Corpus.
Lumagda rin si Board Member Aileen Lizada ngunit upang ihayag niya ang kaniyang dissent o pagtutol.
Magugunitang noong Hulyo ay inaprobahan ng LTFRB ang P1 provisional increase o pansamantalang dagdag sa minimum na pasahe. Dahil doon, pansamantalang naging P9 ang minimum na pasahe sa jeep.
Ngunit dahil sa bagong desisyon ng LTFRB, wala nang bisa ang provisional increase, kaya imbes P11, P10 ang minimum na pasahe.
HATAW News Team