Friday , November 15 2024

Mga salamisim 13

NAKALULUGOD na idineklarang Santo ng Simbahang Katoliko Romano ang Martir ng San Salvador na si Arsobispo Oscar Romero.
Una kong narinig si San Oscar Romero noong ako ay estudyante sa Pamantasang Santo Tomas noong dekada 80. Hinangaan ko ang Arsobispo ng San Salvador (sa El Salvador ito) dahil inialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mahihirap, pinagkakaitan at inaapi sa kanyang bansa.
Kasabay ng Filipinas, pinaiiral noon ang isang mapanupil na siste sa El Salvador at ang biktima ng pandarahas ay mga taong pinagpasyahang paglingkuran ni San Oscar Romero bilang Arsobispo ng kanyang bansa.
Dahil dito ay walang awang pinaslang si San Oscar Romero ng mga ahente ng estado habang siya ay nagmimisa noong 24 Marso 1980. Ayon sa ulat ay binaril ang santo sa puso habang itinataas nito ang kopa na naglalaman ng simbolikong dugo ni Hesukristo kaya simbolikong naghalo ang dugo ng santo sa dugo ng ating manunubos na si Kristo.
Salamat sa Diyos sa kanyang biyaya sa mundo, si San Oscar Romero.
***
Ayon sa isang ulat ng Beyond Deadlines na isinulat ni Santi Celario, mahigpit daw na ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources ang mga alituntuing pangkalikasan sa isla ng Boracay pero ang tanong ng isang mambabasa ng nasabing news site, “bakit sa Boracay lang?”
Tama ang puna dahil hindi lamang sa Boracay nagaganap ang paglapastangan sa kalikasan. Tanungin ninyo ang dating kalihim ng DENR na si Gina Lopez at malalaman ninyo na talamak ang gawaing ito. Pansinin na lang ninyo ang pinaggagagawa ng mga dambuhalang korporasyon ng pagmimina at makikita ninyo ang katotohanan sa puna ng nasabing mambabasa ng BD.
***
Huwag kayong kakain ng pagkain na ginamitan ng “paint brush” dahil ito ay maaaring kontaminado ng delikado sa kalusugang tingga.
Ayon sa EcoWaste Coalition, natuklasan nila na ang mga ginagamit na “paint brush” na pamahid sa mga bar-b-que ay kontaminado ng tingga o lead. Ang tingga o lead ay sanhi ng kanser at pagkabuang o pagkasira ng ulo kaya huwag kainin ang mga pagkain na ginamitan nito maliban kung gusto ninyong magkaroon ng “Big C” o ‘di kaya ay ibig ninyong mabuang nang hindi gumagamit ng shabu.
***
Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.
Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com na lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong News stand.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *