SAYA at suspense ang hatid araw-araw ng newest intense game sa tanghali na “Boom” sa ating favorite show na Eat Bulaga. Yes lahat ng players o contestant mapa-celebrity man o ordinaryong tao ay hindi maiiwasang kabahan habang sumasagot at pinuputol ang barbwire dahil konting pagkakamali o mali ang sagot ay sasabog ito.
Throwback na throwback ang mga outfit dito nina Vic “Mr. Boom” Sotto at ng kanyang mga co-host sa segment na sina Boomdat Ruby Rodriguez at super galante kung mag-quote ng premyong cash na si “Boomga Ka Day” Maine Mendoza. Yes umaabot sa 80k to 180k ang ipinamimigay ni Maine sa kanilang mga manlalaro.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com

