Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Bautista
Sheree Bautista

Sheree, game maghubo’t hubad sa pelikula

KILALA sa sexy image ni­ya ang dating Viva Hot Babe na si Sheree. Ngunit bukod sa kanyang ta­pang sa pagpapa-sexy, multi-talented ang mo­renang sexy actress.

Bukod sa pagiging aktres, si Sheree ay isang singer, composer, DJ, pole dancer, at painter. “Painter po ako, at the same time, nagpo-pole dancing din ako.

“Actually, pangarap ko talagang mag-Fine Arts, kaso ang mommy ko, ang gusto ay maging nurse ako or other course. Hindi ko na-pursue iyon, kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng teacher from UP na sobrang galing talaga, si Art dela Cruz,” sambit ng aktres na last October 3 ay nagkaroon ng exhibit sa Got Heart Gallery at isa sa showbiz perso­nality na kasa­ma sa exhibit ay si Bangs Garcia.

Kung ipi-paint siya nang nude, si Ian Veneracion daw ang gusto ni Sheree.

Anang sexy actress, “Si Ian Veneracion, puwede po… Iyong tipong, ‘I want you to paint me, wearing only this,’ Hahaha!  ‘Ian, nananawagan ako sa iyo, paint me wearing this,’ charot! Why not kung si Ian? Hindi ko alam na nagpi-paint pala siya.”

Si Sam Milby naman daw ang type niyang i-paint nang nakahubad. ”Si Sam Milby, charot! Hahahaha, Wala lang, siguro I find him very behave masyado.”

Payag din daw si Sheree kung i-paint naman siya nang nude? ”Kung ako ang ipi-paint, siguro po depende sa artist. Siguro kung one on one, siguro kung si Mr. BenCab ang magpi-paint, oo naman po, game ako. Kasi idol po iyon,” sambit ni Sheree patungkol sa National Artist for Visual Arts na ang tunay na pangalan ay Benedicto Reyes Cabrera.

Game ba siyang maghubo’t hubad sa pelikula?  ”Oo naman po kung Hollywood film. Kung local, titingnan ko iyong story, kung may katuturan naman po at makakatulong sa career ko, why not naman? Kasi siyempre, medyo matagal na rin po ako sa industriya at iyon na ang gusto kong career path, ‘yung kumbaga ay papunta na sa taas at hindi iyong parang nagsisimula pa lang,” aniya.

Dagdag ni Sheree, “So, kung may offer ulit na mag-nude, gagawin ko kapag worth it naman, artistic at makakatulong sa career ko.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …