TATLONG bagong TV shows mula Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production ang sisimulan ngayong Linggo sa Net25.
Ang tatlong bagong TV shows ay The Prodigal Prince na isang fictional teleserye na mala-Koreanovela pero may touch ng pagka-Pinoy, Galing Ng Pinoy na isang reality game show, at Bee Happy, Go Lucky na isang variety show naman.
Ang The Prodigal Prince ay pinagbibidahan nina VMiguel Gonzales, Justin Lee, Mateo San Juan at Isaiah Tiglao bilang sina Prince Reymund, Alfred, Joey, at Arthur. Mapapanood ito 7:00-7:30 pm.
Ayon sa direktor na si IJ Fernandez, inspired ang Prodigal Prince sa Korean novela dahil sa mga costume na ginamit ng buong cast at orihinal ang kuwento nito. “Mga Korean na nakatira sa Filipinas o tinawag na Agbaria. Tatalakayin ng kuwento ang tungkol sa pagmamahalan, leadership, revenge, at pagpapatawad among the Prince. Magkakapatid po kasi silang apat dito,” aniya.
Susundan ito ng Galing Ng Pinoy hosted by Matteo and Justin, 7:30-8:00pm.
Tapos, ang Bee Happy, Go Lucky na mapapanood naman sa 9:00-10:00 pm. Pawang mga kabataan ang hosts dito na sina Kikay Mikay, Rayantha Leigh, Klinton Start, Isaiah Tiglao, Ron Mclean, VMiguel Gonzales, JB Paguio, Leslie Angela at Rish Ramos.
Sure kami na lalong lulutang ang galing dito ng mga nasabing kabataan, lalo na sina Kikay Mikay, Rayantha at Klinton na nakita na namin ang mga todo-bigay at hataw na performances nang maraming beses na rin.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio