Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alice, imposibleng tanggalin sa Ngayon at Kailanman

MAY tsikang kumakalat na tatanggalin na si Alice Dixson sa Ngayon at Kailanman dahil sa attitude problem nito na ang apektado ay ang veteran actress na si Ms Rosemarie Gil.

Matatandaang idinaan sa social media ni Cherie Gil, anak ni Ms Rosemarie ang pagka-irita niya sa isang artistang hindi niya pinangalanan na sa kalaunan ay natumbok na si Alice raw iyon.

Ang post ni Cherie kamakailan, “What I don’t understand is that some actors feel entitled and have the right to throw their weight around regardless of any and all such considerations. BAKET??? HINDI KA PA PINAPANGANAK artista na sila at ma­laking kontribusyon sa industrya na pinagkikitaan mo rin ngayon! So BEHAVE ka lang diyan pwede?! Nagngingitngit ako! #Breathe.”

Sitsit naman sa amin ay tila may kinalaman ito sa cut-off ni Alice pero dahil may eksena sila ni Ms Rosemarie na inabutan ng oras ng pag-uwi niya ay nag-attitude na.

Nagtanong naman kami sa taga-Dos kung totoong mawawala na ang karakter ni Alice bilang si Stella.

“Wala pong sinasabi ang production,” sabi sa amin.

Inisip namin na baka kaagad na itong ginawan ng paraan ng taga-production ng Ngayon at Kailanman dahil kinakapitan na ng manonood ang karakter ni Alice bilang si Stella na kontrabida sa buhay ng mga Cortes (Christian Vasquez, Joshua Garcia, at Rosemarie) at kay Rebecca (Iza Calzado). Isama na rin si Julia Barretto (Eva).

Base sa tumatakbong kuwento ngayon, nagtagumpay na naman si Stella na ipapatay ang natitirang witness ni Rebecca, si Rodrigo kaya nagpupuyos na naman sa galit ang tunay na ina ni Eva (Julia).

Si Eva naman ay nanatiling matigas pa rin ang desisyong hindi tanggapin ang alok ni Inno (Joshua) na maging parte ng Cortes Jewelry dahil nagustuhan ng Korean investor ang mga disenyo nitong alahas na gawa sa plastic bottle.

Samantala, nabanggit din ng kausap naming taga-Dos, “maganda po ang ratings ng ‘Ngayon at Kailanman’ kaya baka po malabong alisin si Alice kasi sa kanila nina Christian at Iza umiikot ang kuwento. Secondary lang ‘yung kina Joshua, Jameson, at Julia.”

Oo nga naman, bakit aalisin kung malaki ang naitutulong sa kuwento, eh, ‘di magkapatawaran na lang.

Speaking of ratings game ay hindi na talaga maka-abante ang programang katapat ng Ngayon at Kailanman sa GMA 7 dahil mas lalo pang lumaki ang lamang ng Kapamilya show.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …