Monday , December 23 2024

QCPD Kamuning PS 10, walang inaksayang oras

IYAN ang pinatunayang pagsuporta ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, sa direktiba ni QCPD Director, Chief Supt. Joselito T Esquivel, kaugnay sa kampanya laban sa kriminalidad at illegal na droga sa lungsod.
Bakit, ano ba iyong ginawa ng estasyon at wala silang sinayang na oras? Bago natin talakayin ang nakahahangang aksiyon ng Kamuning PS 10, e sino ba ang station chief dito?
Well, sino pa nga ba? Isa sa kinikilalang action man ng QCPD, si Supt. Louise Benjie Tremor. Isu gayam. Nalaing dayta nga opisyal (kaya pala, magaling iyan na opisyal!)
Walang inaksayang oras si Tremor at ang kanyang mga operatiba sa Station Investigation Division at Follow-up Operation Unit para lutasin ang pagpaslang kay Leoncia Tupas, 60-anyos, stay-in kasambahay sa Brgy. Central, Quezon City na nasa area of jurisdiction ng Kamuning PS 10.
Nitong 1 Oktubre 2018, dakong 4:00 pm, nakitang kausap ni Tupas sina Orlan Pineda at Charlie Valles, sa harap ng pinapasukan ni Tupas.
Dahil kilala at suki ng dalawang fish/crab ambulant vendor ang amo ni Tupas, kanyang pinapasok ito sa bahay nang makikiinom ng tubig ang dalawa. Nakita pa ni Angelita Angeles, 73-anyos, amo ni Tupas, ang dalawa na pinapasok at tumuloy sa kusina.
Nasa salas si Angeles at nagdarasal nang oras na iyon.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ni Angeles sina Pineda at Valles na nagmamadaling lumabas ng bahay kaya, agad niyang tinungo ang kusina. Hayun, tumambad sa amo ang patay na niyang pinagkakatiwalaang kasambahay.
Agad na ipinaalam ni Angeles sa barangay sa tulong ng kapitbahay ang insidente. Ipinarating naman agad ang nangyaring krimen sa opisina ni Tremor.
Walang inaksayang oras si Tremor. Agad niyang pinakilos ang kanyang mga operatiba na magsagawa ng imbestigasyon para sa ikalulutas agad ng krimen.
Sa masusing pagsisiyasat – batay sa salaysay ni Angeles, ilang kapitbahay na nakakita kina Pineda at Valles sa pagpasok at nagmamadaling paglabas sa bahay ng pamilya Angeles, bukod pa sa kuha ng CCTV ng barangay sa lansangan, positibong nagdidiin ang mga ebidensiya at mga salaysay na may kinalaman sina Pineda at Valles sa pagkamatay ni Tupas.
Sa isinagawang paniniktik, agad nakuha ng mga operatiba ni Tremor kung saan nakatira ang dalawang suspek.
Makalipas ang apat na oras o kinagabihan, dakong 11:00pm, nalutas na ang krimen. Agad nang nakamit ni Tupas ang katarungan makaraang madakip sina Pineda at Valles sa Sampaguita St., Caloocan City – sa bahay ni Valles. Narekober sa dalawa ang wallet ng biktima na may lamang P7,000 cash.
Sa imbestigasyon at pagharap nina Pineda at Valles sa mga mamamahayag sa isang press conference, kapwa inamin ng dalawa ang krimen. Nagtuturuan pa nga ang dalawa kung sino ang nakapatay. Hindi sinaksak si Tupas kung hindi, napatay  sa sakal at suffocation makaraang takpan ang bibig at ilong.
Aminado naman ang dalawa na napagtripan lang nila ang lahat – paano kasi, gumagamit sila ng droga at iyan ay kanilang inamin. Inamin din ng dalawa na ilan sa bahagi ng kanilang tinangay na cash ay kanilang ibinili ng droga.
Droga na naman talaga, kailanman ay walang idinulot na kabutihan. So, wala nang magawa ang pagsisisi ng dalawa. Kulong ang mga lintek. Masuwerte pa nga kayong dalawa dahil, nakarating kayong buhay sa estasyon. Hindi kasi nang-agaw ng baril.
Iyan ang Kamuning PS 10, walang inaksayang oras…agad nakamit ng pamilya Tupas ang katarungan sa loob ng apat na oras.
Kernel Tremor, sampu ng inyong mga opisyal at tauhan, saludo ang bayan sa inyo.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *