Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

KTV bar waitress pinatay ng kustomer

PATAY ang isang wait­ress habang sugatan ang kahera ng KTV bar maka­raan pagsasaksakin ng galit na kustomer sa Tondo, Maynila, noong gabi ng Martes.

Ang biktimang napa­tay ay si Anecita Sialo­ngo, 41, habang ang kare­ha ay kinilalang si alyas Tamayo, 67-anyos.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa KTV bar sa Juan Luna St., dakong 9:00 gabi.

Kuwento ng isa pang waitress na nakasaksi sa krimen, nagalit umano ang suspek na si Robert Nocos nang hindi suma­ma sa kaniya ang bikti­mang si Sialongo.

Lumabas daw ang suspek ng bar at pagbalik ay may dalang kutsilyo at saka pinagsasaksak ang biktima.

Umawat aniya ang senior citizen na kahera kaya’t sinaksak din siya ng suspek.

Makikita sa kuha ng CCTV ng barangay ang pagdating ni Nocos bago ang pananaksak, at ang pag-alis niya makaraan ang krimen.

Nahuli ang suspek sa kaniyang bahay sa P. Herrera St., Tondo.

Itinanggi niya ang krimen at sinabing natutulog lamang siya sa kanyang bahay nang hulihin siya ng mga pulis.

Kritikal sa ospital ang biktimang si Tamayo na tinamaan ng dalawang saksak sa tagiliran.

Mahaharap ang sus­pek sa kasong murder at frustrated murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …