Saturday , November 16 2024

14-anyos dalagita tumalon sa floodway

TUMALON ang isang 14-anyos dalagita sa floodway sa Taytay, Rizal makaraang buyuhin ng mga kaibigan habang nag-iinoman dakong 8:00 pm noong Martes.

Sinisid ng special operations unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Manggahan Floodway sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dakong 1:00 am nitong Miyerkoles para sagipin ang biktimang kinilalang si Stella Gliane.

Kuwento ng kapatid ng biktima na si alyas Didith, kainoman ng dalagita ang kaniyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente.

“Nagbibiruan ‘ata na tumalon… Ang ano niya sa barkada, baka binu-bully [siya]. Siya raw ang sinisisi po sa mga away-away… Ilang araw niyang dinaramdam,” hinaing ni Didith.

Masayahing bata uma­no ang biktima ngu­nit napansin nilang ma­tamlay nitong nakaraang araw.

May mga palitan din ng mensahe sa Facebook ang magbabarkada nang hindi nila pagkakasun­duan.

Samantala, 2:30 am kahapon, nagpasya ang PCG na pansamantalang itigil ang search and rescue operations.

“Medyo malakas ang current kaya posibleng inanod siya. ‘Di natin ito titigilan. Sa situwasyong ito, hindi lalayo ang katawan,” ayon kay PO1 Edwin Marquez, team leader ng naturang operasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *