Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project ng ElNella, on hold muna

TRULILI kaya na hindi na matutuloy ang project nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil sa gusot nilang dalawa?

Sitsit sa amin na mukhang on-hold muna ang project ng dalawa hangga’t hindi sila nagkakaayos.

Pero nang magtanong naman kami sa taga-Star Magic ay sinagot kami ng, “wala pa silang project na sinasabi sa amin.”

Para siguro hindi masabing hindi na nga tuloy.

Anyway, matindi raw ang away ngayon nina Janella at Elmo dahil sa pagkakataong ito ay bumalik na sa piling ng inang si Jenine Desiderio ang aktres na ibig sabihin ay tinapos na nito ang ugnayan nila ng aktor?

Sa madaling salita ay tapos na rin ang loveteam nilang ElNella? At tila hudyat na rin ito dahil solong rumampa sa 2018 ABS-CBN Ball si Janella at ayaw pag-usapan si Elmo base sa kuwento sa amin ng mga nag-cover ng event.

May naisip naman ang isang TV executive, “bagay din sina Janella at Jameson (Blake), tutal naman gusto siyang makatrabaho ni Jameson noon pa.”

Hmm, oo nga bagay ang dalawa lalo’t wala namang permanenteng ka-loveteam ang aktor na kaliwa’t kanan ang proyekto ngayon.

Oo, mas sikat pa siya kay Elmo ngayon, dami niyang projects at mas marunong umarte. Kita mo nga, siya ang napapansin kaysa kay Joshua (Garcia) sa ‘Ngayon at Kailanman’ kasi pasaway,” sabi pa ng executive na kausap namin.

Dagdag pa, “challenging ‘yun ha, hindi pa-cute na acting.”

Ay bakit may ganoong comment? Pa-cute ba si Elmo sa mga acting niya?

Anyway, So Connected pala ‘yung movie nina Jameson and Janella kaya naisip ng kausap naming mas bagay silang partner.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …