Saturday , April 20 2024

Mermaid, sobrang kinarir ni Janella sa “My Fairy Tail Love Story” (Fans sobrang kikiligin sa ElNella Valentine movie)

KUNG kayang magpakilig ng ElNella love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa telebisyon ay mas matindi rito sa Valentine movie ng dalawa sa Regal Multimedia at The First Idea Company na “My Fairy Tail Love Story” na trailer pa lang ay may patikim na ang sikat na tambalan na siguradong kaiinlaban ng moviegoers specially ng kanilang fans na matagal nang nag-aabang sa movie ng kanilang mga idolo na idinirek ni Perci Intalan. At dahil may pagka-disney ang tema ng movie na majority ng scenes ni Janella ay kumakanta siya ay kaaaliwan ito ng mga bagets. At ‘yung pagiging mermaid ay kinarir daw talaga ni Janella dahil hindi biro ang gumanap na sirena sa big screen.

“It’s no joke po,” sabi ng young singer-actress.

“Kumuha po ako ng swimming lessons, mermaid lessons and diving lessons, na kailangan kong mag-dive sa 14-feet deep diving pool. Pero I’m lucky  dahil ang daming gustong makaganap sa role ng isang mermaid, at ito ang naibigay na role sa akin. Paborito ko po kasi ang fairy tale na Little Mermaid at dream ko talagang one day, ma-ging mermaid ako at natupad dito sa movie,” sey ng dalaga na tuwang-tuwa at nagkaroon siya ng ganitong experience na nag-enjoy siya at ang kapartner na si Elmo.

Iikot ang kuwento ng My Fairy Tail Love Story, sa mala-prinsesang buhay ni Chantel (Salvador) na kalaunan ay isusumpang maging isang sirena na walang kakayahang magsalita ngunit maaa­ring kumanta upang ibahagi ang laman ng kanyang isipan.

At babalik lang sa pagiging tao si Chantel, kung may hahalik sa kanyang lalaki na totoong mahal siya. Ang guy na ito ay si Noah portrayed by Elmo, na excited makita ang reaksiyon ng mga mano­nood sa kanilang not-so-ordinary movie na ikakikilig at ikasasaya ng lahat.

“While we join our characters in their quest to figure out how Chantel, could be turned back to a human again, we will all surely be proud of this film that has just the right Disney feels that will make us remember all our happy feelings as a kid,” pagpababagi ni Elmo sa kanilang mga character.

Katulad nina Elmo at Janella, proud rin ang isa pang lead star ng movie na si Kiko Estrada, itinuturing niya ang “My Fairy Tale Love Story” bilang isang matapang na Valentines day movie na makikipagtapatan sa iba’t ibang international movies na makakasabay nila sa playdate nga­yong February 14.

“We believe that what will set us apart from the foreign films is our story, which is closest to the hearts of Pinoy viewers,” ani ni Kiko na gaganap bilang Ethan, ang crush ni Chantel. “We’ll tackle family, friends and the challenges that ordinary Filipinos face. It’s something that we all connect to, especially to millennials like us who are still exploring life and finding out the real meaning of true love.”

Samantala puring-puri naman ni Direk Perci ang kanyang mga bidang artista na pare-pareho raw professional pagdating sa kanilang trabaho. Parte rin ng cast sina Kiray Celis, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Rubi Rubi, Kaladkaren Davila at Dino Pastrano.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *