Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga salamisim 11

TALAGANG totoo ‘yung sinasabi ng matatanda na ang maliliit na nagkaroon ay masahol pa sa talagang mayroon. Parang langaw na nakatungtong lang sa kalabaw ang pakiwari ay mas malaki pa siya sa kalabaw.
Nakahihiya ka Tsong…ikaw na dapat magpakita ng hinahon, ikaw pa ang nagbarumbado. Wala ka sa hulog. Dapat sa iyo manahimik na lang at huwag ng maging isang public figure…gagayahin ka lang ng mga langaw na tulad mo.
***
Lahat ng mga sundalo na binigyan ng amnesty ng mga nakaraang administrasyon, lumalabas na hostage kayo ng kasalukuyang administrasyon. Kung kayo ay magiging maingay na tagapuna tulad ng katoto ninyong si Senador Antonio Trillanes IV ay malamang na bawiin ang inyong amnesty at ibalik kayo sa bilangguan.
Ganoon ang labanan ngayon, pitpitan ng…
***
Nagtataka lang ako sa grupo ni Trillanes kasi ‘yung bandera na iwinawagayway ng mga ka-Magdalo niya ay bandera ng Supremong Andres Bonifacio na isang Magdiwang. Baka hindi ninyo alam na ang Magdalo ang nasa likod ng pataksil na pagpatay sa Ama ng Himagsikang Filipino at Unang Pangulo ng Filipinas.
Palitan ninyo ang bandera o pangalan ninyo bilang unang hakbang na magpapatotoong makabayan kayo at hindi reaksiyonaryong pasista na nabulilyaso ang tangkang pag-agaw sa poder. Bagay sa bandera ninyo ang Grupong Magdiwang.
***
Nagkalat ngayon ang mga mumurahing beauty products na kontaminado ng tingga o lead. Kadalasan ito ay gawa sa China at nabibili sa sobrang murang halaga sa inyong mga suking tianggian. Isipin na lamang na sari-saring sakit ang makukuha ninyo mula sa tingga o lead, kabilang na rito ang cancer, pagkabuang, pagkasira ng mga lamang loob at marami pang iba.
Matagal nang ban sa ASEAN countries, maliban sa atin, ang mga produktong ito. Kudos sa EcoWaste Coalition na patuloy na nagbibigay ng babala sa taong bayan kaugnay sa mga nasabing produkto.
Sige magpaganda kayo at tiyak na dahan-dahan namang mabubulok ang katawan ninyo.
***
‘Yung mga taga Okinawa ay humihingi ng US$10 milyon sa Amerika bilang danyos dahil sa noise pollution na likha ng kanilang mga eroplano sa kanilang base militar sa nasabing lugar.
Buti pa ang mga tagaroon alam ang dapat gawin. Tayo matagal na panahon na ang sari-saring polusyon ang nilanghap mula sa mga Kano pero ok pa rin tayo. Ni wala tayong narinig na pagtututol…haaaayyy siguro talagang hindi tayo laan para maging tunay na malaya.
***
Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.
Pasyalan rin ninyo ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong news stand.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …