Tuesday , March 18 2025

400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia

MAHIGIT 400 katao ang iniulat na namatay sa 7.5 lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sula­wesi, Indonesia.

Umabot sa anim na metro ang taas nang humampas na alon at inanod ang mga residente kasama ang kanilang mga ari-arian.

Nagpahayag ng paki­kiramay ang Filipinas sa kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Indonesia.

Naghahanda ngayon ang Filipinas sa pagpa­padala ng tulong sa naturang bansa.

Sa pinakahuling ulat, patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa mga nawawala pang kababa­yan makaraan ang malagim na insidente.

Nasa 350,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos ang napaka­lakas na lindol at tsunami na humampas sa mga gusali at umanod sa mga bahay sa baybayin ng Palu.

Linggo ng umaga, Setyembre 30, iniulat ni Indo­nesian Disaster Manage­ment Agency spoke­sman Sutopo Pur­wo Nugroho na nasa 405 katao ang kompirma­dong namatay sa insiden­te.  Mahigit din sa 400 ang malubhang nasug­atan.

Marami sa mga bik­tima ang natabunan ng mga gumuhong gusali at bahay. Naging mabagal ang paglikas sa mga residente dahil sa kaku­langan ng heavy equip­ment at mga tauhan.

Nabatid sa ulat, gumagawa ng sariling daan ang mga nakaligtas na residente dahil nata­bunan na ang kalsada ng mga bato mula sa mga gumuhong gusali.

Agad din naputol ang komunikasyon at elektrisidad kaya’t hindi agad nalaman ang lawak ng pinsala sa Palu maging sa komunidad ng Donggala.

Ayon sa pinuno ng International Red Cross ng Indonesia na si Jan Gelfand, hindi lamang mga naninirahan sa urban ang apektado ng kala­midad.  Naging mahirap din sa mga awtoridad na puntahan ang remote areas.

Sarado na ang Palu airport kaya’t guma­gawa na lamang ng paraan ang relief workers upang maihatid ang relief goods sa mga apekta­dong lugar.

Isa ang Sulawesi sa pinakamalaking isla sa buong mundo at umaa­bot sa 10-12 oras bago makarating sa pinaka­malapit na paliparan nito.

Samantala, nakiusap ang pamahalaan sa mga residente na huwag pu­masok sa kanilang mga bahay at gusali.

Sirang-sira rin ang mga ospital kaya’t gina­gamot ang mga biktima sa labas ng gusali.

Kasunod nito, nana­wagan sa publiko si Dr. Komang Adi Sujendra, Director ng Undata Hos­pital sa Palu  na mag­tulong-tulong upang magamot ang mga nasu­gatan sa insidente.

 (JAJA GARCIA)


Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas
Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas

About Jaja Garcia

Check Also

Bato idiniin sa ICC

HINDI man kasama sa ipinalabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban …

Chiz Escudero Bato dela Rosa

Itaga man sa bato…
ESCUDERO KONTRA ARESTO VS BATO

ni NIÑO ACLAN TINIYAK ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi niya papayagan ang …

DOST Strengthens Innovation Ecosystem with PROPEL Program

DOST Strengthens Innovation Ecosystem with PROPEL Program

ILIGAN CITY, LANAO DEL NORTE – THE Department of Science and Technology (DOST) held a …

FPJ Panday Bayanihan partylist nananatiling malakas batay sa survey ng Pulse Asia

FPJ Panday Bayanihan partylist nananatiling malakas batay sa survey ng Pulse Asia

NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang suporta ng hindi bababa sa 2.86% ng mga …

Koko Pimentel

Koko Pimentel pangmatagalang plano sa Marikina: BTS (Baha, Trabaho at Sapatos)

MULING pinagtibay ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang pangako sa pagpapalakas ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *